Karibal Issues

November 24th, 2006 by vinchhimself

Pilit ko mang magsulat sa Ingles, hindi ko magawa. Hindi ko rin alam kung bakit. Well, actually, para madaling basahin siguro kaya ganun at para madaling maintindihan.

Habang tumatagal ang oras, nawawalan na ako ng saysay ng mundong ito. Joke lang. Mahirap sabihing wala ka nang kwentang mabuhay. Pano na yung nagmamahal sa’yo? Yung prof na paborito kang torturin? Panu na yung girlfriend mong niloloko mo? Panu na yung kotseng ibibigay sayo pag nagtapos ka ng pag-aaral (asa)? Panu na yung utang mo kay Manong Ice Cream? Ok, meron ka pang dapat gawin sa buhay mo na minsan hindi mo pa alam kung ano yun. Marami pang bagay na dapat matutunan. At marami pa ring mga utang na dapat bayaran. Marami pang subjects na dapat ibagsak. Marami pang prof ang makikilala mo.

Hnestly, may hangover pa rin ako ngayon sa mga nangyari kahapon. Heto’t napapaisip sa kung anu-ano pa ang ginawa namin kahapon. Alam kong meron at meron pang nangyari sa amin. Kulang yung naalala kong detalye.

Chapter 1. (alalahaning praning pa ako at hindi eksakto ang mga detalye)

Planado nang pupunta kami sa Angono at makikifiesta. Kainan… Kainan… at inuman. Pero nung araw bago nun, uminom na kami. Yung tipong pampa-ready para bukas… Ang pangit nga lang, nakita yung epekto ng madalian. Walang may kasalanan. Haha. So, naghintayan na kami sa isang lugar para sabay-sabay nang pumunta ng Angono.

Nakaalis na kami. Sakay LRT. Tas Dyip na papuntang Angono-proper. Sense na naming lahat ang layo ng inuuwian ni Shean. Nadaanan din namin ang dati kong tirahan na malayo din. Tas nang makarating na kami sa Angono, sa sobrang layo, humirit si RJ ng ganito… "Tol, anlayo ah. Panu mo pa nalaman na may UST?" Haha.

Kahit malayo, enjoy naman yung byahe. Tas there, finally… Nakarating kami sa kaharian ni Shean.

—————————–

Ano ba yung feeling ng may karibal? Tanong lang. Tipong badtrip ba? Tipong nawawalan ka ng pag-asa? Tipong gusto mong maglasing? Hindi naman ata ganun yun e. Kanina lang, nakaisip ako ng kung panu itorture ang karibal…

Hm, panu ko ba uumpisahan to?

1. Kaibiganin mo at magng mag-bestfriend kayo for awhile. Tas imbitahan mo sa probinsya nyo para sa bakasyon. Pagkatapos nun, dalhin mo sa bukid at magpicnic kayo. Lasingin mo na rin (make sure ikaw ang tanggero para bawas amats.) Tas, main event, pag nalasing at di na makatayo, iwan mo. Basta iwan mo tas balik ka sa Manila. Sure lost yun.

2. Tangina, papatay mo sa bestfriend mo. Period.

(to be continued… sana)

Hindi Lahat…

November 18th, 2006 by vinchhimself
Hindi Lahat…
Hindi lahat ng pakiramdam na masarap ay maganda at pang habangbuhay. Natatapos ang sarap nang di mo inaakala. Kahit alam mong matatapos ito ay tuloy pa rin. Bakit? Masarap nga e. Haha.
Marami siguro sa inyo ang nagsasabing galit ako sa mundo. Sa katunayan, hindi ako galit sa mundo. Bakit ako magagalit sa mundo? Marami man ang galit sa mundo, hindi ako isa sa kanila. Bakit, mukha ba akong galit? Punyeta.! Haha. Well, sabihin ko sa inyo ang totoo. Hindi ako galit sa mundo. Haha. Haha. Kung galit ako, puno na ng lyrics ng Erik Santos itong blog ko. Nyeta… Hehe. Masaya lang ako kung bakit ako ganito. Haha.
Matatapos na ang sembreak. Balik nanaman tayo sa tambay mode. Balik nanaman sa mga araw kung san masaya ka kasi makikita mo siya. (Punyeta, wag mo ngang ako ang bida dito.) Haha. Yung mga oras ulit ng kulitan at asaran. Mga oras na mangungutang ka kasi naubos sa DOta ang allowance mo at sa Visayas pa nakatira ang magulang mo at feeling mo pabigat ka na sa magulang mo. Yung oras na wala kang ballpen at alam mong nandyan ang faithful friend mo na magpapahiram sa’yo sa oras ng kagipitan. Yung oras na magpapaxerox ka ng notes ng kaklase mo para sa quiz kinabukasan na itatago mo lang sa bag mo overnight. Haha. Yung mga oras na gusto mong manipa ng prof. Haha. Yung mga oras na gusto mong makitulog sa kaklase dahil concert sa school at inabutan ka ng ulan. Haha. Yung inuman na patago. Yung P.E. mo na ayaw mo nang pasukan. Yung yosi na ayaw bitawan. Yung utang mong singko. Haha. Yung kaibigan mong palaging andyan… Haaay…
Drama.
Oh well, tapos na ang sembreak.
At walang magawa.
Kita kits nalang…
Nabablangko ako… Teka lang…
Wait…
O, ano, post nako ng Erik Santos song?
Teka.
Hindi lahat…
1. ng bagay na masarap sa pakiramdam ay maganda.
2. ng tao ay mabait pag tulog kasi may nagsasalita, nagmumura, at naglalakad.
3. ng kotse ay mahal kasi may second hand naman e.
4. textmate ay nanghihingi ng pasaload.
5. ibon ay lumilipad.
6. oras ay malungkot ka.
7. wala kang pera.
        …kasi sabi ng nanay ko, "hindi lahat ng araw ay pareparehas."
Well, hanggang dito nalang ang lahat. Hindi ako si Ate Charo. Alam mo yan..
Hanggang sa muling pagkikita. Kita kits.
Pero tandaan na lahat tayo ay tao lamang. Malalim yan. Reflect on that.
*cnxa na late post.

Sembreak: Tatlong Linggong Pagpapataba at Pagkataba.

October 25th, 2006 by vinchhimself

Kung si Jesus ay nabuhay noong ikatlong araw, ako naman ay himalang nabuhay ng 3 linggo sa probinsya sa tindi ng pagkayamot. Lahat ng katext ko, ang reklamo: "Xet! Putangina! Sana may pasok na.", "Pare, anu gwa moh? Aq alam mo yamot na, gusto ko nang magpakamatay…", "Hoy, Lagoy, magpainom ka naman!!!"

Well, kahit hindi kasama yung last statement, parang ganun pa rin yun. Yep, gusto na nilang ibalik ang pasok. Pero di na kailangang pagdebatihan nina Mareng Winnie at Kumpareng Oca ang issueng pag-abolish ng sembreak. (sa mga sandaling ito ay naiisip kong pinaggugulpi na ako ng mga archi at cfad… panahon daw nila itong i-rehab ang kanilang mga kamay). Kahit ako ay tutol sa pag-abolish nito. Putangna, ikaw, gusto mo walng sembreak? Panu nalang ang mga susunod na mag-fifirstyear college? E di hindi sila makakaranas ng sembreak? Xet.

Tanungin muna natin ang sarili natin. Sino ba ang pasimuno ng issueng pag-abolish ng sembreak? Wag niyo na pansinin yun. (sa mga oras na ito ay wala na akong panga. nag warning shot na ang WPD. nanghuhuli na sila ng mga cfad na bumubugbog saken. marami ang nakatakas na archi) haha.

Dahil sa boredom, maaari tayong mamatay ng di oras. Baka nga ngayon e naghihingalo na si Mae o si Lyra o si Kat… Alam mo yung feeling nang nilalatigo ka na slow motion at habang tumatama ito sa laman mo e mabagal din yung takbo ng sakit. Haha. Pero kahit ganun, sana ituloy ang sembreak magpakailanman. Sana ipausad ng gobyerno ang sembreak na may kabuluhan para sa atin. Dapat lahat ay may ginagawa. Kunyari iimplement ang DOta for 3 straight days at yosi for 3 straight hours… Xet (naimagine ko sarili ko namumula mata at masakit ang ulo hindi dahil sa yosi kundi sa pag-aaral kung panu mag DOta) Haha.

Nang binasa ko ang blog ko, naisip kong ang blog ko pala ay katumbas ng pakiramdam ng gisingin ka ng 3 ng umaga at tanungin ka ng 1 million minus 1. Napapansin kong marami na ang nagsusulat ng kanikaniyang blog. Kanikaniyang experiences, karamihan ay school at barkada. At di rin namamatay ang mga emo blogs. Yung mga nagsusulat ng tungkol sa walang kamataymatayang love topic. Hehe. Keep up the good work.

Cge got to go na… Pagpapataba (PAGiging PAPA na MaTABA) rocks… Hehe.

Next tym nalang yung mga nangyari saken at sa inyo at sa mga iba pa na gusto niyong maalala malaman at isnabin…

:">

The Day I Said “Sana”

September 2nd, 2006 by vinchhimself

Bad Trip.

Hindi sana yan ang title ng entry na ‘to. Gusto ko nga yung title na "Tangnang Araw na To Sana Di Nalang Ako Nagtoothbrush". Un…

September 2, 2006.
Putang Ina. As in gusto kong pumatay ng aso. Kwento ko ha.

Mga 10:53 un ng umaga. Ganado akong mag joke joke kahit hindi nakakatawa. Naglaro kami ng volleyball. Di ko alam kung matatawag yun na volleyball e kasi wala kami sa court, soccer ball ang gamit tas yung isa nakajacket. Pucha.

Ok. So nagpalipat lipat yung bola sa magkabilang kampo. Tingin ko wala namang nag eenjoy e pero tuloy pa rin. Nang napunta sa malayo ang bola, kinuha ni Gago. Pero di natapos dun ang kanyang kagaguhan dun. Nang malapit na siya, sobrang lapit ha, si-nerve niya. E may tiyampong mag-syota na something na na sapul. Yung una, Architecture na babae (quiet lang ha), solid siya pare. Nakakalungkot isipin na sorry nalang ay tapos na ang kwento e tumodo pa dun sa bf na Engineering (tsk.) Tumalsik. Na-out of balance yung bf.

Lumapit si Gago at nagsorry.

Gago: Ay sorry po.
Archi: Kasi sa susunod, be careful.
Gago: Hm. Ok. Sorry po.
Eng: (pagkatayo at hawak ang sirang salamin) Panu ba yan?
Gago: I’ll pay for it nalang po.
Archi: Hindi, sige, nevermind. (at daling hinila ang bf)

Ok na sana ang lahat nang…

Gago: Thank you po. Ay sorry po ulet…

Puta. Ganda na sana e. Nag thank you pa si Gago. Buti nalang… mababait sila….

At di ako SUPER SAIYAN nun. (Di ko alam yung tawag dun sa transformation na unggoy siya. Lupeeeeeeet nung buntot. Rock on.)

Isa pa. Bakit ba ako andun in the first place e Sabado? Pahinga Day? Aatend ang buong klase sa meeting para sa project at seminar. Yung para sa seminar, para ma exempt sa susunod na quiz sa Lit. Punta naman si Gago. (Now playing: Can’t Help Falling In Love With You - Elvis Presley (die F4) ) E na- late kami ni Shan. Dun kami sa pinaka corner.

Tamang-tama na sana. Magtext ka nang di nakikita. Murahin mo yung nagsasalita nang di naririnig. Magmanyak ka hanggat gusto mo…

Nang dumating si Mags at si Triple F (Paypay Boy) at nang umalis si Shan, nasira ang araw… Nag joke ang tatlo at akalang wala nang bukas. Yun pala minamanmanan na kami ng Prof namin na tagilid. Pinapalabasa na kami, pero di namin alam. Pero alam mo yung feeling na enjoy ka na parang bata. Yung tipong pag sinuway kang tumatawa e makakapatay ka gamit ang isang balloon lamang o wooden spoon o sa pamamagitan ng signal ng fone mo. Badtrip yun e. Tas SUPER SAIYAN ka pa na me bunto na kalupet lupet.

Nang matapos ang palabas (na tungkol sa hip hop), na ispatan si Gago ni prof na tagilid. Tinuro ampo0ta at sinabing, "Kayo, ang gugulo niyo ha" (sayang di ko alam kung panu gayahin yung sound na bading). Ang gugulo daw namin. Xet. Gusto ko sanang sabihin na, "Ok. Kaaaaaaaame….. Haaaaaaaaaame….. Waaaaaaaaaave!!!!!!!!!!". Tang Ina.

Tanong, exempted pa kaming tatlo??? Abangan…

Tnx sa mga avid fans!!!! Ulol ako….

                                                                                -Gago. ;p

Dighay… Diglow… at Geddemet.

August 5th, 2006 by vinchhimself

Maraming bagay sa buhay ang nais makamit. Gusto mo ng bagong cellphone. Gusto mo ng bagong sapatos. Gusto mo ng bagong textmate dahil maarte ang Wazzup niya tsaka dahil Sun xa at Globe ka. Gusto mo rin ng bagong tirahan dahil nalalayuan ka. Gusto mo ng bagong crush kasi nabuntis yung una o nadapa, un, tanggal ang dalwang ngipin sa harap. Gusto mo ng bagong LRT. Gusto mo ng bagong classmates.

Pano pag gusto mo siya???

Siya na pag dumarating e di ka na makapagyabang? Siya na pag nakakasalubong e nawawala ang pagkamaton, tila me umaabanteng electric fan sayo at nililipad ang praning mong buhok at tumutunog ang theme song niyong dalwa na ikaw lang ang nakakaalam? Siya na tila daladala ang kulog at kidlat para bumagyo at ma-strand sa loob ng campus?

Ahhh… Xet ang drama days ng koopal.

Di mapigilang mag-emo pag nauubusan ka na ng tawa. Putsa ung tipong wala ka nang masabi sa mga kasama mo. Ang natitirang kwento nalang na nasa iyo e yung kwentong nagising ka kaninang 4:45 ng umaga na malagkit at mabaho ang hininga dahil sa nakalimutan mong maligo at mag toothbrush kagabi. Mga kwentong tutulak sa isa sa inyo na magyaya umuwi nalang.

Prelims na. Malapit na. Gusto kong makipag pustahan sa inyo. Pustahan tayo wala pang nag-aaral na kaklase ko para sa prelims. Ano ginagawa nila? Ewan. Pero meron akong nabuong mga teorya sa kung anong ginagwa nila ngayon sa kalagitnaan ng paghahanda para sa Prelims (Pre, limas tayo ng sagot).

Ang mga teorya:

1. Nag DoDOta. Xempre. Mas mahalaga kesa sa maligo.

2. Nagtetext. Xempre.

-Musta na u?

–Ok lng nmn me, kw b?

-Ah, h2, nag eemote…

-Huh? Y naman?

–La lng. Kumain na u?

-Hm, yupz… pakain palang me e. Hehd.

–Geh, ingatz nlang sau… Ngtxt na gf ko e. Tnx 4 da tym.

3. Nanliligaw. Xempre.

-Gretchen?

–O bakit Armando?

-Kelan ba magiging tayo?

–Bakit?

- Kasi panay ang labas nyo ni J0pet e. Baka… Kau na.

–Tangina mo! Naunahan ka na. Gago! Inutehl!!! Pinaasa lang kita!!! Hahaha.

4. Nag-iinuman. Xempre.

5. Nag dedate. Xempre ke number one tas bukas si number two.

6. Gumagawa ng Kodigo para sa Lunes. Para di na gawin sa mismong araw ng test!!! Hahahaha… Yan ang prepared…

Geddemet… Poocha sinong gusto akong sapakin dito? Marami pa akong gagawin. Si Kim itetext ko pa. Si Pareng T0ots naghihintay ng kainuman. Xet.

Tnx pala kina Mae Pang, Niki Yokingco, at dun sa taong nakalimutan ko na nagbasa nito. Pakilala ka ha…

Adios.

Sino ba si Kim?

July 30th, 2006 by vinchhimself

Marami ang nagtatanong kung sino si Kim. Maraming haka-haka ang naglabas. Tatlo na ang nagtanong sa akin kung sino talaga siya. Tatlong maling hula. Hahaha. Hindi naman siya philosophical question e tas hindi mo kelangan ang calculator upang malaman kung sino talaga si Kim. Pero ibahin mo si Mang TOots ke Kim. Ibang iba silang dalawa. Hindi lang sa spelling at gender. Hahaha.

Uy, siya nga pala, nagpapasalamat ako sa mga taong nagbasa sa aking blog. Special thanks ke Mary Ponce tas ke Niki Yokingco. Haaaayyy… Hahaha.

Actually, si Kim ay totoong tao. Ewan ko si Mang TOots kung ano siya. Nakuha ko ang konsepto ni Kim sa dalwang bagay. Una, sa kantang "Sembreak" ng Eraserheads na may pamatay na "Dear Kim, kamustang bakasyon mo/ ako’y heto pa rin nababato…" Pangalawa, si Kim Chiu. Actually, nabanggit ko na ‘to sa mga naunang mga entry ko kaso walang pakialam ang mga taong di nagbabasa nito. Balikan mo nalang siguro kung may time ka. Haaayyy…. Baliw ampOoTik.

Maraming mga text messages ang nagkalat sa mga cellphones. Ito’y mapa mushy mushy love quotes hanggang sa walang kamatayang mga jokes na sumikat pa noong kasikatan ng Super Laff-In (ung show noon every friday bago mag Calvento Files sa Abs-Cbn na kinasikatan ni Bayani Agbayani) o sa Bubble Gang. Hindi rin pahuhuli ang mga chain text tungkol kay God. Sinasabing ipasa mo raw ang mensaheng ito sa 15 na katao kasama ang nag-send sayo upang makatanggap ka ng swerte with in 2 days. Langya. Pano pag di mo nakuha after 2 days? Forfeited na? Xet daig pa ang mga promong nagpapamigay ng mga sweater, rice cooker at libreng mga CD ni Jolina Magdangal. Paglaruan ba naman ang mga biyaya ng Diyos. At pag inignore mo daw mamalasin ka. At… Kokonsensyahin ka pa sasabihinh unli ka pa naman… Ampoocha.

Ayokong pag-usapan ang college life.

Ahhh. Xet. Kelangan e.

Dito ko natutunan ang maraming bagay. Marami akong akala na noon ko pa dapat tinanggal at sinabi nalang na nag eexist nga ang ganitong mga creature. Akala ko ay ang role lang ng mga librarian e mabuntis nang mabuntis o makipag relasyon sa ekonomiks teacher. E ngayon iba na. Araw araw na silang may dalaw. Araw araw ay may nakaka away na estudyante. Buwitre!

Dito ko rin nakita ang talagang pagkakaiba ng babae sa bading . Karaniwan kasi di mo na alam kung ang nakadaanan mo ay babae o bading dahil sa paglagay nila ng koorete sa mukha. Heto ang nabuong teorya… Tignan mo sa uniform. Isa pa. Sa adam’s apple. Yan. Yun lang. Bakit? Meron pa? Uy, wag mo na tignan ang boobs… Kaw ha… Ganyan sila kalupit. Desperado. Ay, Desperada pala.

Argh. Teka. Me tanong ako. Bakit ba kelangang maging bestfriend mo ang type mo? O bakit ang type mo e ang bestfriend mo? Parang tema ng pelikula noh? BFF. Alam mo ba to? Best Friends Forever. Ang bad trip na linya na "I love you… as a friend…" Ampoota. Yung tipong gusto mong gahasahin ang babae sa mismong lugar na iyon a sobrang inis. Yung para ikasal na kayo. Bad trip noh? Pero bakit may ganito? Yung temang mahal mo sya pero may mahal siyang iba. Napapansin ko lang. Nakaka inis kasi ang mga langyang scriptwriters. Wala na ngang cable, la pang matinong panoorin.

Mangabayo ka nalang. Unli ka naman e. Hahaha. Adios.

Kilala Ko Na Si Mang TOots…

July 22nd, 2006 by vinchhimself

Sino si Mang Toots?

Sa totoo lang hindi ko siya gustong ma meet ngayon. Mahirap na baka mag palibre ng LRT ticket papuntang TAyuman o KAtipunan. Langya.

Gusto kong magising ng alas diyes araw araw tulad ng dati kaso hindi pwede. Me pasok pa kay Prof. D na sobrang agang pumasok ( and excuse me hindi daw kahit minsan sa buhay niya absent… cool ba yun? ). Papasok na lang akong late at bigla na lang tatawa ang lahat. Hindi lang naman ako ang parating late e. Marami pa. Sobra. Tanginang relos ng Room 210. Cursed. Ahh. Bakit ba kailangang mag-aral ng History 101? Ewan ko nakalimutan ko na explanation ni Prof. e.

Wala lang. Gusto ko lang bumaboy ng kanta alay sa dakilang Prof ng mahiwagang English na puro pinag aaralan ay… study skills ( na wala sa sarili lang ang gumagamit ) na halos ibaon mo na sa lupa at ipagdasal na nawa’y kunin na siya ni Lord. Ok rin naman paminsan minsan si Prof. SH. Pag nagalit biglang may patawa. Yun bang pampalubag loob para hindi abangan ng estudyante ang titser sa labas ng campus upang umbagin at takutin. Lakas Tama.

Ahh. Seduce me. Ang wala daw kamatayang si Dr. Niya. Haha. Wag mo na ako i contradict. Tama yang term ko sa pangalan niya. You jealous? Haha. Fallacy ba sinasabi ko? Siya lang ang teacher na alam kong ka bibes and anak niya. Magpaturo ba naman ng s*x ang anak niya. Haha. WAla lang gusto ko lang tumawa ng tumawa hanggang sa magin irreg ako. Tawa lang ng tawa. Teka, ba’t ba kasi ako nag-philo? AhhH. Xet.

Si Creature. Ang nagpasimuno sa pagtawag sa akin na Carnation Boy, Alaska Boy, at Bear Brand. Bow. Naalala ko tuloy yung nung isang araw me nagpasa ng note na nakasulat sa punit na papel ng notebook: "Tanungin mo nga ke Carnation Boy kung pano mag unlimited sa Smart na may 5 minute free call. Tnx!" Salamat kay Prof. Creature na gay ( uy proud xa! ) na gay na gay. Sarap maging medyo favorite niya sa totoo lang. Yung tipong tatango ko lang e ipapa explain niya kung ano yung conflict sa istoryang nabasa mo. Xet. Buti kung Pugad Baboy ang pinabasa niya. Sasabihin ko lang na ang conflict e na kay Brosia lang. Un…

Sa susunod nalang yung susunod… MWF ko yan… Pati na rin yung mga kantang alay ko sa kanila… hahaha… Adios. Tsaka na rin si Mang Toots.

The Most Beautiful Smile on Earth

May 4th, 2006 by vinchhimself

Hi blog…

I decided to write this in English to let people exercise their own version of spokening the Ingles language and it’s write spillings.

Ang labu no? Andamidaming Pinoy sa Pilipinas ngayon na gutom. Andaming walang alam sa Ingles, ayun… gutom. Bakit? Pag dehins ka ba marunong mag-Ingles e gugutumin ka na? Aba’y oo naman. Sa lahat ng available profession na maaaring pasukan e dapat me bitbit kang mini-dictionary sa utak mo. Maging karpintero man ang labas mo, labis na pipilitin ka ng kapalaran na matuto ng Ingles. Dehins ako nagsusulat ng Filipino. Naniniwala kasi ako kay Bob Ong at sa mga nagsabi sa akin na hindi lahat ng tao ay marunong mag-ingles. Dehins lahat ng tao e marunong i-spell yung rendezvous. Dehins lahat ng tao ay natututong magbasa at magsulat. Maswerte nga tayo (ikaw na nagbabasa) at natuto kang magbasa at magpasensya sa isinusulat ko. Siguro… ayaw mong magutom. Kaya ngayon pa lang, umpisahan mo nang mag-aral ng English fundamentals… Umpisahan mo sa nouns tsaka ka magtext ng shorcut sa friends mo. Kung dehins mo na kaya, wag mo na ituloy. Marami akong kilala na nasira ang ulo nila dahil sa English. Tama na yan.. Kaya mo naman ata ang mabuhay nang hindi busog.

Marami na ang nagtanong sa akin kung kaninong bunganga ang may pinakamagandang ngiti. Sa lahat ng tanong na ito wala ni isa man ang sinagot ko nang diretso. Ayoko kasi na me kahati ako sa imahinasyon ko. Pero minsan gusto ko me ka-share ako. Kung ibato ko sayo ang tanong na ibinato sa akin, anong isasagot mo?

The Most Beautiful Smile on Earth. Kanino nga ba ang titulong ito? Kung gusto niyo nang matinong sagot, heto na.

Para sa akin, ang may pinakamagandang ngiti sa balat ng lupa ay pagmamayari ng mga Koreana, Intsik, at Haponesa. In short, mga chinita. Sa tingin ko wala nang tatalo sa ngiti ng mga chinita.

Match talaga ang mata nila sa bunganga nila. Dehins ko matanggap na unti-unti tayong natatalo ng mga chinita pagdating sa ngitian. Pero siguro pag ngitian lang magdamagan ay sigurado ako at talo ang mga yun… Basta painan mo lang ng isang milyon ang pagngiti nila ng bente-kwatro oras.

Parami nang parami ang mga chinita sa mundo. Parami nang parami na rin ang mga jologs sa mundo. 11:05 na ng gabi at wala na akong maisulat. Pero bakit nga ba sadyang matibay ang ngiti ng mga chinita? Kung dehins ka pa nakakakita ng ngiti ng chinita, manood ka ng koreanovela.

Sa totoo lang, hindi jologs ang manood ng koreanovela. Para rin itong blog. Pwede mong subaybayan… pwede mo ring isnabin. Sa totoo lang walang jologs na bagay sa mundo. Ang mayron nga lang ay ang jologs na tao. Yung tipong umiihi sa bote ng mineral at itinatapon sa crowd. Sarap.

Balik. Ang ngiti ay isang mahalagang asset ng isang tao. Lahat ng tao pwedeng ngumiti. Pero dehins lahat ng ngiti astig. Iba talaga yung smile na para kang dinadala sa hangin. Yung tipong gusto mong kainin at i take home. Yung tipong gusto mong pakasalan.

Sa tingin ko kasalanan ito ng koreanovela kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit ako naadik sa mga matatamis na ngiti nila. Minsan gusto kong gumawa ng account sa Friendster na naglalaman na puro ngiti ng mga chinitang nakikita ko araw-araw sa TV. Dito na rin ako makakalikom ng ikabubuhay mo. TApos iinterviewhin na rin ako ni Korina Sanchez at kukulitin kung paano ako pinakain ng mga ngiti ng mga chinita.

Nakikita ko na rin ang sarili ko sa araw na yun na nakakulong sa kasong pagpatay sa isang premiyadong reporter na pilit nangulit sa akin kung paano ako nabuhay sa pinakamagandang ngiti sa balat ng lupa…

Pisawt.

Despedida ng Aking Pagbabalik

April 30th, 2006 by vinchhimself

Hi blog… Hi sa inyo…

Tagal ko nang hindi napapansin itong blog ko. Wala na rin gaanong nag-uupdate ng blog niya ngayon. Bakit kaya? Tamad na ba ang tao? Hindi na ba siya marunong magbasa? Hirap na ba siyang makaintindi ng Filipino ngayon? Dumudugo ba ang ilong niya sa tuwing makakabasa siya ng ingles? Ano ba?

Sa huli

kong

panayam sa aking saloobin, nakita

kong

wala pala akong ganang basahin. Walang interesado sa mga sinusulat ko. Siguro ganun din ang iba. Sigurado din akong hindi ako nag-iisa. Sabi nila sa akin, blogs

lang

daw ng girls ang madalas binabasa ngayon. Bakit mas madali bang intindihin ang sinusulat nila kesa sa lalaki? Hindi ko gets e. Censya.

Maiba tayo.

Sa lumipas na mga buwan, pinilit

kong

magplano ng oras para makapag sulat ako ng blog ko. Pero lagi na itong nadedelay… at nedededma. Wala rin namang magbabasa ba’t ko pa isusulat. Sorry

kung

napilit kitang basahin ito sa chat, friendster, testi, shout out, sa tabi-tabi, kanina, sa telepono, sa PBB, sa pamamagitan ni Kuya™.

Naisip ko lang. Ngayon lang. Ngayon

lang

ako napaisip ng ganito. Pwera yung math quizzes na pilit inabot ang inaasamasam na 4/10 (o di ba passing). Iniisip ko kasi yung bagon PBB ngayon.

Yung

 

Pinoy

Big Brother Teen Edition. Lam mo yun. Naks. Pero dehins ang iniisip mo ang iniisip ko. Hindi labidabs. Hindi chicks. Pero pwede din. Aabot naman tayo dun e. Pero wag muna.

Iniisip ko na siguro iniisip mo rin. Me mas gaganda pa bang mga babae kesa sa mga nasa loob ng bahay ni Kuya? (Ahhhhhhhhhhhh… Sinungaling~~!!! *blush*) Sige na nga.

Sa tingin ko kasi sa labas ng bahay ko, halos wala kang makitang babae na matino. Meron ngang matino pero hindi naman sa lugar

kung

maging tahimik. Halos wala na ring chinita, morena, mestiza,

americana

, bicolana na talagang matatawag mong "babae".

Hindi mo pa rin gets? I mean yung atmosphere ngayon. Parang nauubusan na tayo ng babaeng matututo kang mahalin at mutututuhan mo  ring mahalin. Kasi as what I can observe today, girls today have the tendency to leave you kahit ilang beses pa silang mag "iluvu" sa’yo. Madali silang magsawa. Hindi ko naman sinasabing ubos na ubos na na wala na talaga. Meron pa naman siguro.

In contrary to what

Kim

 

Chiu

(housemate; PBB Teen Edition) na madaling magsawa ang boys, she may be right or wrong sa pananaw niya. Meron talaga yung boys na hobby na ang mangolekta. But I can assure you na meron pa naman ang talagang stick to one. I am not saying ako iyon. I can assure you naman but I can never prove.

Hayaan na

lang

natin… Chika ko

lang

yon.

Balik sa topic (meron na ba?). Balik… Rewind. Sa panonood ko ng PBB na putul-putol, talagang tinodo ng ABS ang pagpili sa mga taong papasok sa bahay. I mean, ang mean nila sa mga walang hitsura. Gets? Yung tipong natepok na ang mga babaeng may matitinong kaisipan. Wala na. Nasaan na? Andun na sa loob ng bahay ni Kuya. Minsan natatawa nalang ako sa kaiisip na machicks din si Kuya. Hilig din nia ang chinita, mestiza, morena, flawless at Dalmatian (ibang klase yan, di mo

lang

alam).

Feeling ko tuloy ngayon wala nang natirang babae para sa mga loveless. (You may be misinterpreting me. I ain’t talking about myself… Feel na ba? Whatever.) Yung mga ipinasok sa bahay, sa sariling katinuan ko, ay yung mga babae nang talagang pang-atoys (baliktarin mo kaya.) ……….(joke*) I respect women naman.

Sa tingin mo? Ubos na ba babaeng

Maria

 

Clara

pa ang dating? Sabi sa akin ni Ploy, dami daw sa skul nun.(uy special mention). Tulad ng sabi ko sa sinabi ni

Kim

 

Chiu

, he may be right or wrong. Sa totoo

lang

, ang pananaw ko sa buhay, nothing is right or wrong. Lahat ng bagay pwedeng tama o

mali

. Palitan nating yung "lahat ng bagay" sabihin na nating yung sa paningin ng tao ay tama. Yung mga

mali

naman ay

mali

talaga kahit balibaliktarin man ang mundo.

Tulad na

lang

ng nakapag dunk si

James

 

Yap

. Kahit totoo, pwedeng right o wrong pa rin. Gulo ba?

Kahit pa mag-dunk si

Jimmy

 

Alapag

o si Boykins. Kahit dehins totoo, pwede paring right o wrong, di naman bad.

Balik. Kaw, sa tingin mo, ubos na ba girls na "quality"? Wala ka na bang makita? Bulag ka ba? SAbi ni Ploy sa akin bulag daw ako.

Inayusan

 

lang

daw yung mga nasa TV. Meron pa ba? O wala na? Pera o Bayong? Bayong!!!!!!!! Sa huling tanong… Pera o Bayong? BAyong!!!!!!! Nang ginipit ni

Willie

si

Andre

… Peraaaaaa o Bayong? Niyakap siya ni Iya at ni Kat…… Baaaaaaaa. Pera o Bayong!!!!!!!??? Kiniss siya sa cheeks ni Iya. Wow. Huling huli na

Andre

… Pera… o… Bayong??? Ok ang 50,000 mo gawin nating House and

Lot

plus Iya at Kat…

Andre

: Pwedeng both?… Pag bukas ni Willie sa box… Hindi 1 million ang lumabas…. Ang langit kasama si

Kim

 

Chiu

… hehehe…PEACE…AWT…

untitled

October 2nd, 2005 by vinchhimself

sandali akong nag-isip kung ano ang susunod kong gagawin…hindi pa ako tapos mag-isip…hindi pa nga ako gising sa mga oras na ito…ngayo’t nalaman ko na ang kahihinatnan ng pagpupuyat ko ng ilang gabi…ang pagmumuni-muni ko sa klase na walang sinabi kung nakinig na lang ako…wala na akong magagawa…tapos na…

OK…quits…wala nang libro…OK? kung mababasa ninyo ang unang entry ko dito sa blog, ‘wag ka nang umasa…kahit may plot na ako…kumpleto na ang characters…correct grammar na ako…OK na yung climax…quits…kung walang umaasa…hindi na ako aasa…

mahirap sabihing mahal mo yung tao lalo na’t kaharap mo na…lalo na sa opposite sex…sasabihin na lang nating "i love you" pag nakatalikod na yung tao o sasabihin na lang natin sa text…ito ang Pilipino…:x-rated kung magmahal…ito ang Pilipino…backfighter…

mabibilib na sana ako sa Pilipino kung kaya niyang sabihin ang tatlong salitang ito ng diretso sa minamahal niya…pero hindi…napak-duwag natin…ba’t hindi tayo prangka?.. hihintayin pa nating marinig niya sa iba ang pagmamahal mo…ang duwag ng Pilipino…napaka-torpe…

bakit kung manliligaw ay sa text idadaan?..bakit?..at kung liligawan na e sa text pa rin?..bakit?..naitanong niyo na ba sa nanay ninyo kung paano sila niligawan ng tatay niyo? at nang kabit ng kapitbahahy ninyo?..mahirap ipaliwanang ang ipinagbago ng panliligaw ngayon…noo’y may harana…noo’y may suyo…nagayo’y may text na…ngayo’y date ang uso…

balik tayo sa "i love you"… gaano ka katapang upang sabihin ang aylabyu?.. nasusukat ba ‘to?..ewan ko?.. pero hindi katapangan ang namamagitan sa pagsasabi mo ng aylabyu…higit pa riyan parekuy…nasa damdamin at katapangan yan… ang corny noh!…

magpapaka-duwag pa ba tayo? hindi natin alam kung kailan siya mawawala sa ating tabi…aylabyu lang naman ng harap-harapan…di mo kaya. tawagan mo na…

P.S.

hindi po ako ang bagong endorser ng PLDT o Alcatel…

sa panlilinlang lamang po ito ng tao…

ito ang aking specialty…(*sabi nino?*)

—-ako—