Bday Bash
Sa kabuuan ng aking buhay, marami akong maipagmamalaki. Marami din akong mga pagkukulang. Marami din akong mga bagay na ninais na
sana ‘di nalang nangyari. At marami na din akong napagdaanan. Hanggang ngayon ay marami pa din akong mga pangarap na nais tuparin. Kung makita mo ako dating isang ordinaryong mamamayan na parang walang pakialam sa buhay, o kaya mukhang walang pakialam sa pag-aaral, pwes di naman dun ang batayan kung bakit bababa ang tingin mo sakin. Siguro sa isang aspeto pwedeng ganun kasi hanggang dun mo lang ako kilala.
Noong nakaraang June 2 ay aking nagdiwang ng aking ika-18 na kaarawan. Teka, ba’t straight ang Tagalog ko? Shet. Hehe. Basta yun. Andami pumasok sa isip ko nun. Andaming pagsisisi, mga pasasalamat, mga tanong at iba pa. Sa mismong birthday ko e ‘di ako gaanong naging masaya kasi wala namang dahilan para maging masaya nun. Ang unang 17 yrs ko sa mundo siguro ang pinakamalupet na mga taon. Dun ko naranasan ang pinakauna kong mga pagsubok sa buhay. Sa ngayon, ‘naghaharvest’ na daw ako ng mga eskwelahang papasukan ko. Sa lagay na ‘to masasabi mong wala akong pangarap. Sa lagay ko, pwede kitang patayin at pwede nakong makulong. Haha. Joke. Meron akong mga pangarap na sigurado ako ‘di mo alam, ‘di rin alam ng mga magulang ko at ‘di rin alam ng mga tao sa paligid ko.
Sa pag-aaral ko, madami na akong napagdaanan dyan. ‘Di mo naman pwedeng ipagmalaki ang mga pinagdaanan ko kasi di naman maganda ang mga yun. May mga pagsisisi ako sa mga nangyaring yun pero mas madami ang pwede kong ipagmalaki. Marami naman akong napatunayan na ‘di ko alam e magagawa ko pala. Pero siyempre at masaklap e ‘di ko lang nabigyan ng pagkakataon ang pag-aaral na gustuhin ako. Yun lang =-(. Wala namang sinayang dun eh (well, pera at expectations pero who knows I’ll be reaping one of the best paths in life someday). I had a great time meeting new people in every angle I turn my head to. Fun.
Sa pag-ibig, (heto nanaman) sa ngayon, ‘di pa ako tsumatsamba. As in, wala. Wag moko tawanan. Gago. Haha. Mahina naman talaga ako eh. Great. Teka, ang tipid ko yata. Haha. Kasi wala naman dapat ikwento eh. Well, merong mga istorya na talagang tipong dapat i-share pero sa next entries nalang siguro. At wala ka naming sasabihin kundi, ok lang yan, madami pa dyan, mag-aral ka muna, yun ganun. ‘Di pa para sakin yan. Iwas mode muna tayo dyan. Bawal din magkagusto sakin (kung meron man). Ayoko. Suntukan tayo. Not gay. Shet, ang tipehd! Bawal din ako magkagusto sa iba. Wag.
Sa mga kinacareer kong mga pwedeng pagkaabalahan, nasa banda ako ngayon at kasalukuyang gumagawa ng mga kanta. I currently play rhythm guitars (well, nowadays la na yung tipong may lead at rhythm, basta guitars nalang, in our case, may lead {si Mark} and we’ll be doing alternate lead melodies) sa Andie’s Boxx. Haha! Isa palang ang gig na natugtugan ko at sumablay pa. Well, it was a good start for me. So maraming pangarap bandmate ko (si Mark) para sa band. Kasi siya yung bumuo eh. Hopefully,
sana magdilang-anghel si Mark sa mga
plano niya. By January, may EP na siguro. May pera na ang banda nyan.
Sana … Be optimistic! Yes naman… Pls support. Aus.
Wait, ikwento ko yung
plano namin ni Jay. Bubuo kasi kami ng banda eh. Pero it’ll be just for fun. May pangalan na nga kahit di pa kami nagjajam. Ang
plano eh magiging reggae-punk kami. Kung ang Silent Sanctuary eh orchestral rock, kami naman ay reggae-punk. O di ba? Kakaibang genre yan. Gagawin namin yan. We’ll be covering Weezer, Dashboard (nagmakaawa pa ako kay Jay), Blink 182, AVA, Plus44 atbp. Syempre di lang foreign di ba? May OPM din. Yung pangalan pala e AIMEE. ‘Di mo na kailangan tawagin si Robert Langdon para i-decipher o i-deduce yan. Madami siyang ibig sabihin. Well, kinda philosophical. Isa sa mga reasons kung bakit yan ang sinuggest ko eh dahil philosophical nga. Gusto namin may meaning ang tugtugan. Simply “I AM ME”, “AIM AT ME”. Ay, dalawa lang pala. Hehe. Anyways, so un… Tuturuan ko pa siya magdrums. Shet. Mga pangarap talaga.
Sa mga dumaang panahon, lumaki akong ‘di pinabayaan ng mga magulang ko. Sa edad kong ‘to eh hinahanap hanap pa din ako kahit asa harap lang ako ng bahay. Hanep. Lumaki naman akong marunong mag-isip ah. Yun nga lang, minsan pumapalya. Pero it helps. You can’t talk about life without mistakes. So I hope we have more birthdays to come. Kasi isa lang yan sa mga pwedeng palusot ng inuman sa amin. Haha… Well, have a nice day, my friend. Ang daldal ko ngayon.
June 8th, 2007 at 3:05 pm
happy birthday andre!
“di naman dun ang batayan kung bakit bababa ang tingin mo sakin”
minsan nawawalan lang tayo ng momentum. we have lots of dreams but we fail to strive to reach for them because we get lost. well, life never loses its spark. you just have to turn it up again when it dims. =)
eto lang: when you’re so down, there’s no way but up. good luck andre. =)
feel ko rin sana mag-kwento, pero next time na lang. =)