Archive for May, 2007

Why Race If Not Racist? Anu Daw?

Saturday, May 19th, 2007

Cueshe1  Habang ako’y nagsusulat ng aking ikadalawampu’t dalawang entry sa aking blog. Ngayon ay maayos na ang keyboard ko. Sa bahay ko na ‘to ginagawa at hindi sa isang net shop kung san dumadating ang oras na para sa’yo ay legal ang pang-uupak ng katabi sa kasisilip sa monitor mo. Hanep.

          Sa mga oras na ito ay naiirita ako sa RnB na pinapatugtog ko sa radyo. Naalala ko pa na dati lang ako naaliw sa mga ganito. Ngayon, ay ewan ko lang. Di ko na kasi gusto eh. Ikaw ba? Hindi naman sa pangit ang tugtog, pagkanta nila. Siguro hindi ako marunong sumayaw o di hilig ang mag rap. Dito sa probinsya namin, madalas ang ganito sa radyo. Nagiging masyadong paulit-ulit nalang. Medyo nakakairita. Sa mga araw na ganito, sino ba naman ang hindi maiirita na hanggang ngayon e number one pa din ang Narda ng Kamikazee?! Exagge ba? Joke lang. Basta masyado nang ka-ewanan.

          Racist ka ba pagdating sa tugtugan? Tipong dahil naka oversized jersey ka ni LeBron e ayaw mo na sa banda. O pag naka emo look ka e ayaw mo na sa hiphop at itinuturing mo na itong ka-level na ng praise songs at di ka na rin sumasayaw. Sigurado ayaw mo din sa Cueshe at minsan e Hale… isama na din ang Sponge pag gusto mo lang na ayaw mo sila.

          Teka, anu nga ba meron sa Cueshe?! Bakit tila ba pilit ibinabaon ng mga tao ang mga gawa nila? Bakit ba pag napalapit ka sa videoke at narinig mo ang isang tambay na bumirit ng Ulan eh kumukunot mukha mo at sabay tinginan ng barkada? Bakit ganyan kayo?! Isa ang Cueshe sa mga composer-bands na pilit gumagawa ng mga sarili nilang mga kanta. Hindi tulad ng iba na ang sumasalba lang sa career nila e puro gasgas na revival na. Wala akong pinapatamaan ah. Basta, madami naman dyan na hindi nila sariling gawa ang nagpasikat sa kanila.

          Minsan nakakiritang isipin kung bakit sarili nating mga banda sa ‘Pinas e pilit nating pinapababa. Na kung bakit ang mga tao ngayon eh hanga sa banyagang mga tao. Dib a nila alam na mas hanga sila sa atin? Exagge ule? Malay mo. Di ba?

          Di ako super fan ng Cueshe. Hindi rin ako pinakamababang fan o fan ng Cueshe. Fan ako ng ating industriya. Wala lang. Kahit Shamrock e ayaw ng iba. Mahn, they make music like you do siguro or like music like you do.

          Bottom line is, kanya kanya lang tayo ng trip. Kung ayaw mo, e di ayaw mo. Wag nalang siraan. Siguro. Ata. Basta. Ok lang kung banyaga ang ikutya mo. Di ba?

          Tangna, di magtatagal at bubuo ako ng partylist nito. Haha

          O well, guys. Hanggang dito nalang. See ya!

Ba’t Ang Tiyaga Ko?

Sunday, May 6th, 2007

Ang dami dami nang myspace users samundo at hanggang ngayon ay hindi pa ako nagkakainteres gumawa ng account nito. Hindi naman sa wala akong camera noh (at di naman siguro kelangan ng camera para makagawa nito). Atdi rin sa hindi ko alam gumawa. Haha. Wag moko tawanan. Mas feel ko pa magsulat dito sa friendster kasi dito nadadaandaanan pa din ng mga friends. Kaya ok lang. Kahit walang bumasa, wala sa akin (ngek). Haha. Di ko sila pinag-aaway, ito lang ay ang sa aking convenience lamang. Xet, nagloloko ang spacebar.

Ba’t ang tiyaga kong magsulat ng mga bagay na wala namangnagbabasa? Tangnang spacebar. Ewan ko. Kasi outlet ko ito? Siguro. Ito lang ang kaibigan kong pwedeng lapitan pag may problema eh. Pero kelangan ko pang pumunta ng ibang bahay para maki internet o kaya humanap ng mood para makadalaw sa netshop. Dati meron din naman akong masasabing mga "fans" ko. Haha. Sabi eh ituloy lang, e ako si gago, tinuloy naman. Haha. E ganun e.

Marami ang rason kung bakit nananatili akong manunulat sa sarili kong mundo na ako lang ang nakatira (lalim mehn..). Pero di nga. Una, gusto ko naisusulat ko ang mga bagay na alam ko na sigurado e hindi mo alam. Pangalawa, dahil sa may mga taong alam kong bumabasa nito. Kung wala, baka si Lord o baka napapadaan lang o aksidenteng naclick lang. Haha. Pangatlo, di pa nawawala sa isip ko ang amibsyong gusto kong makapagsulat nglibro (xet na spacebar). Kahit ung coloring book lang pwede na. Corny ko talaga. Haha.  Pang-apat, minsan kasi ang mga tao e ayaw makipag usap sayo kasi siguro iba tingin sa’yo. O minsan napapaisip ka na hindi ka kasi nila kilala kaya ganun. Kaya ang tangi mong kausap e ang blog: kinakausap mo, di ka naman mabigyan ng payo.

Ganda pala ng Anghel ng Stonefree. Haha.

Miss ko na si Leonel na guard sa dorm namin. Gago kasi siya eh. Tutulug tulog. Yon. Naalala ko tuloy yung sinabi nya sakin dati na sana makapulot siya ng dalawang bag ng pera na puno ng madaming pera. Ano’mg gagawin nya dun? Magpapatayo daw siya ng paupahan sa tapat ng dorm namin at hahakutin daw kami lahat. Haha. Isa pa sa mga sinabi niya sa akin na hindi ko makakalimutan e ang "masarap mag-aral". Lagi nalang na ganun. Di ako nagsawa sa mga sinasabi nyang ganun. Kahit minsan e paulit ulit nalang. Ang pagiging "kuya factor" ay nakita ko sa kanya. At isa pa palang gagawin niya sa pera e panchichicks namin daw. Haha. Di ko makakalimutan itong taong ito. Sanabinabasa mo ito, tol. Dadalhin ko lahat ng mga sinabi mo hanggang sa makapagtapos ako. Miss ko na mga jamming natin. Huhu. Smile na.

Marami akong pagsisisi. Marami din angpintas sa akin. At tiyak meron din sa’yo. Kung meron mang isang katangian na meron sa akinna wala sa iba, xet na spacebar nakakatamad bumalik sa word na magkakadikit, ito ay yung pagtanggap sa pagkakamali ko at ang pagpapakita ng weakness. Di ko rin maiwasan ang pagbawi sa mga sinasabi ko. Though I maynot be a man of my word, I know what I did will make the best out of me, and that’s sincerity. Minsan aliw ako sa mga taong matigas na pag nasabi na nila, e nasabi na. Yun angmay paninindigan.

Hanggang dito nalang…

Bye… Smile…

Sa susunod ule.