Teka part1.
Ui,
Ngaun lang ako talaga magpapatama sa blog… Ang magtanong na kaklase ko tungkol dito, naku, ewan ko lang.
Wala lang. Feel lang talaga magbanta.
What does it take to be a superfriend?
Sa akin kasi parang patas lang ang pagiging mag M.u.(Mag-un) at ang pagiging committed. Parehong masaya siguro ang feeling. Ganun na rin yon. Ang pagkakaiba lang talaga siguro nito eh, ung pagiging official co-better half ng isa’t isa. Parang 1cm. lang ang agwat ng M.u at isang official relationship e. Parang assurance lang na you are giving a part of you not because of something ordinary. You are giving a big part of yourself to that person you know who would handle that part of you. Ang M.u. kasi parang "kayo" pero hindi talaga yung literal na "kayo". At andun na rin yung expectations na magiging kayo… someday… somehow.
How does it hurt when it ends?
Of course masakit kahit hindi naging kayo tapos tinapos na. Parang pareho lang. Tingin ko mas exciting pa ang superfriendship kesa sa isang official relationship e. Correct me if I’m wrong pero, sa M.u kasi, you get to discover new things everyday. Well, you might say na mas sobra ang isang official relationship. Sa akin lang kasi, sa M.u, palagi kang nanghuhula, palagi ka nalang magtatanong. Alam mong meron nang bagay sa pagitan ninyo pero pwede pa itong mabago kahit kelan. Walang pinipiling oras… walang pinipiling lugar. At hindi mo na alam nagkukulang ka na pala.
Sa isang relationship naman, nandoon na yung trust at assurance ninyo. Wala nang dapat i-discover na talagang magpapasaya sau. You discover things naman e, pero hndi katulad ng sa M.u. Ang kelangan mo nalang na gawin e ang pantilihing healthy ang relationship ninyo and make the bonds stronger.
Uso na ito. Daw. Uso na daw itong M.u M.u na hindi kau pero masaya kau. Yun ang sabi nila.
Nasaktan lang talaga ako siguro kaya ako nagkakaganito. Haven’t heard of the other side yet. Yung matinong version. Di ko rin alam kung nasaktan din siya sa ginawa nia. Sinabi naman na nasaktan din. But that’s not enough. Pilit ko mang ayusin talaga, walang matinong version ang naisasagot sa akin. Siyempre to make things straight, kamustahan muna. Tapos maganda na rin yung biglain mo sa medyo dulo na habang medyo nagkakailangan na kau. Yung tipong nagkukuwentuhan kau tungkol sa buhay tapos biglain mo nang, "anu talaga nangyari sa atin?… kwento mo nga…".
Honestly, yung mga masasamang bagay na pede mong isipin at paghinalaan kung bakit nagkaganoon, inicp ko. Walang nakapagpigil sa akin na hindi isipin na "kaya mo ‘yan". Talagang dito lang lumawak ang isip ko at napaisip talaga nang husto… Dito lang ako nalungkot talaga. Dito rin napatunayan na sa umpisa parang wala lang, nagtatapangtapangan, pero pag tumagal… ganun.
Hanggang ngayon e naguguluhan pa rin. Plastic ako pag sabihin kong ok na ako. Pero hindi pa naman ako suicidal. Talagang walang matinong version sa mga pagkakaintindi ko. Mahahaba-habang inuman to… eshte… pag-uusap ‘to.
Hindi naman sa binabalik ko kung ano man ang naging tinginan noon. Gusto ko lang talaga maibalik kung ano yung naging pagsasama at turingan talaga. Miss ko lang talaga yun… Tanungin moko kung anu kulang sakin, sagutin kita ng "siya… at iPod." Un…
Di ko sasabihin kung sino nagkulang… Teka, sino ba?
SA’Yo:
Usap muna tayo. Ung matino… Gusto kong maliwanagan ang lahat.
I’ll admit na meron paring konting intentions of bringing back the times. Pero I’m just beginning to forget about it. You should forget it by now.
Well, kung tau nga, tau talaga di ba… Pero tulad ng sabi mo…"bata pa tayo… marami pa mangyayari sa buhay natin." I’ll just stick my nose on everything you said.
Sa inyo:
May mali ba sa sinabi ko? Hayaan na ang typo error. yung sa mga sinabi ko lang. Pls. correct me… Naiiyak ako.. Sa totoo lang… Sabihin niyo nang madrama… Be vocal… Comments…
Geh bye…
December 7th, 2006 at 11:34 pm
ayos lang. mas maganda ngang kausapin mo siya. para matapos na. para maliwanagan ang lahat. ganyan talaga ang buhay, tumatakbo. nangyari na saken yan. naguusap naman kami, pero, parang… wala na. iwas na ako. just because we didn’t clear things out. i think it would be best that you talk to her. para gumaan ang iyong loob. sorry kung medyo cheesy, you were asking for comments, and it looked like you were really serious, that’s why i gave you a serious comment. kayo mo yan, dude.
December 8th, 2006 at 1:29 am
ang dami nyong landi ni niki…hehe. basta, be contented kung anong meron ngaun. if hindi pa pede sa next level, magtiyaga ka muna…dun rin nmn punta nun eh. pero dapat ikaw sa sarili mo alam mo tlg ung TOTOOng status nyo, bk kc nag aassume k lng..hehe *im not joking*, kc u cannot plan or decide kung ano ung next step until hindi mo nakaclarify kung san direksyon tlg kau pupunta.
December 8th, 2006 at 2:10 am
maybe. tnx…
December 8th, 2006 at 3:49 am
hay.. agree ako kay niki, talk to her, d nmn pgiging epal un , kxe feelings na ang png uuxapan, maz mgnda n rin ung sa knya n mang galing kung anu n ba tlga ang ngyri at kung bkit nging gnun at kung anu n kau naun. hay.. pare nararamdaman k nararamdmn mo.., bzta d2 lng aq, kaia mo yan, wag gi give up okie, darating din ung tamang person sa lyf m.. \m/