Archive for November, 2006

Suicide Bomber Pedicab

Tuesday, November 28th, 2006

Ah, eh…

Kanina lang pag-uwi ko, sumakay ako ng pedicab. May pinatabi sa aking lalaki na mukhang Israeli (o basta mukhang bumbay). Hindi mapigil sa sarili kong mag-isip na baka terorista ang nakasakay ko. Panay ang tingin ko sa balbas nyang tila ba kaka-ahit lang na tinubuan ule after 5 mins. Tangna kahit babae ako siguro, di ko gugustuhin yon. Basta, yun, kinabahan ako. Maraming pumasok sa isip ko: kung magrereply pa kaya siya? Kung mag wa-one-two-three nalang ako, o holdapin ko tong katabi ko. Pero natauhan ako nang isipin kong baka may bagong modus operandi ang mga terorista.

Inisip ko na sa higpit ng LRT at MRT ngayon ay pati na amoy ay pinapakialaman na. Yun siguro ang problema ng mga terorista ngayon kaya sa paghasik ng lagim e naisipan nilang wag nang pahirapan pa ang kanilang mga sarili. Kung pampublikong usapan lang ang pag-uusapan e andyan ang tricycle, jeep, taxi, school bus (imaginin mong isang grade 3 student and isang Israeli *puro balbas*) at ang higit sa lahat… ang pedicab.

Tinignan ko ule ang kanyang mahiwagang balbas. Di ako mapakali. Na-imagine kong ipapakita nya muna ang kanyang "bomb belt" at ngingiti pa sa akin ng parang nalilibugan. Habang ngumingiti siya ay umpisahan ko nang mag Sign of the Cross o ngitian ko na rin siya ng parang nandidiri habang pinpakyu. O di kaya’y habang ngumungiti siyang parang nalilibugan e pinapalo ko ng table tennis racket ang mukha niya habang pinapakyu. O pwede rin murahin ko ng, "tangna mo, salaam malayko inamo kukurukuku shishkebab shawarma" habang nginingitian ng parang nandidiri habang pinapakyu.

Pero napaisip akong kahit anong gawin ko e mapipindot nya ang button na nakakonekta sa kanyang "bomb belt". Dapat ko na bang isubo ang ‘bato’ at isigaw ang "shazaam". Kung kilala ko lang talaga si Super Inggo.

Pero natapos din ang tila ba torture na binigay sakin ng pedicab ni manong. Nakababa na rin ako sa wakas. Ayoko nang tumingin ule sa pedicab kung san nakasakay pa rin xa. Baka makita ko ule yung killer smile nya. Tangnang shet.

Hindi naman sa galit ako sa mga mukhang bumbay. Pero daig pa ang ilagay nyo ako sa kulungang puno ng leon. At di naman sa mali ang impression ko sa kanila. Talagang ayoko silang kasama. Pero hindi naman siguro habambuhay yun na hate ko sila (tangna taglish). Talagang ayoko lang talaga. Gets?

Oh, help me SI (Super Inggo). O anu, kung may HP para sa Harry Potter bakit di pwede ke Maikisig? Aber?

Naimagine ko tuloy yung habang binabaybay namin ang kahabaan ng nilalakbay namin e bigla nalang sasabog ang pedicab na sinasakyan namin. Makikita mo nalang pag andun ka ang nagliliparang ping-pong balls, putol na kamay, putol na ulo, lapis, bolpen, notebook (tangna nasabi na lahat ng nasa loob ng bag), wallet, condom (uy kay Israeli yun ah), at whiteboard marker.

At isa pang naisip ko e kung anu ang mangyayari na susunod. Syempre mamamatay ako. Iiyakan ba ako ng nanay ko? ng tatay ko? ng kapatid ko? o matutuwa pa sila at nawalan sila ng konsumisyon.

Iiyak kaya sina Carl, Jico, Victor, RJ, AC, Suede, Reg, Paul, Niki, Shean, Mae? Inuman nanaman ba sa burol ko? Yun lang…

Karibal Issues

Friday, November 24th, 2006

Pilit ko mang magsulat sa Ingles, hindi ko magawa. Hindi ko rin alam kung bakit. Well, actually, para madaling basahin siguro kaya ganun at para madaling maintindihan.

Habang tumatagal ang oras, nawawalan na ako ng saysay ng mundong ito. Joke lang. Mahirap sabihing wala ka nang kwentang mabuhay. Pano na yung nagmamahal sa’yo? Yung prof na paborito kang torturin? Panu na yung girlfriend mong niloloko mo? Panu na yung kotseng ibibigay sayo pag nagtapos ka ng pag-aaral (asa)? Panu na yung utang mo kay Manong Ice Cream? Ok, meron ka pang dapat gawin sa buhay mo na minsan hindi mo pa alam kung ano yun. Marami pang bagay na dapat matutunan. At marami pa ring mga utang na dapat bayaran. Marami pang subjects na dapat ibagsak. Marami pang prof ang makikilala mo.

Hnestly, may hangover pa rin ako ngayon sa mga nangyari kahapon. Heto’t napapaisip sa kung anu-ano pa ang ginawa namin kahapon. Alam kong meron at meron pang nangyari sa amin. Kulang yung naalala kong detalye.

Chapter 1. (alalahaning praning pa ako at hindi eksakto ang mga detalye)

Planado nang pupunta kami sa Angono at makikifiesta. Kainan… Kainan… at inuman. Pero nung araw bago nun, uminom na kami. Yung tipong pampa-ready para bukas… Ang pangit nga lang, nakita yung epekto ng madalian. Walang may kasalanan. Haha. So, naghintayan na kami sa isang lugar para sabay-sabay nang pumunta ng Angono.

Nakaalis na kami. Sakay LRT. Tas Dyip na papuntang Angono-proper. Sense na naming lahat ang layo ng inuuwian ni Shean. Nadaanan din namin ang dati kong tirahan na malayo din. Tas nang makarating na kami sa Angono, sa sobrang layo, humirit si RJ ng ganito… "Tol, anlayo ah. Panu mo pa nalaman na may UST?" Haha.

Kahit malayo, enjoy naman yung byahe. Tas there, finally… Nakarating kami sa kaharian ni Shean.

—————————–

Ano ba yung feeling ng may karibal? Tanong lang. Tipong badtrip ba? Tipong nawawalan ka ng pag-asa? Tipong gusto mong maglasing? Hindi naman ata ganun yun e. Kanina lang, nakaisip ako ng kung panu itorture ang karibal…

Hm, panu ko ba uumpisahan to?

1. Kaibiganin mo at magng mag-bestfriend kayo for awhile. Tas imbitahan mo sa probinsya nyo para sa bakasyon. Pagkatapos nun, dalhin mo sa bukid at magpicnic kayo. Lasingin mo na rin (make sure ikaw ang tanggero para bawas amats.) Tas, main event, pag nalasing at di na makatayo, iwan mo. Basta iwan mo tas balik ka sa Manila. Sure lost yun.

2. Tangina, papatay mo sa bestfriend mo. Period.

(to be continued… sana)

Hindi Lahat…

Saturday, November 18th, 2006
Hindi Lahat…
Hindi lahat ng pakiramdam na masarap ay maganda at pang habangbuhay. Natatapos ang sarap nang di mo inaakala. Kahit alam mong matatapos ito ay tuloy pa rin. Bakit? Masarap nga e. Haha.
Marami siguro sa inyo ang nagsasabing galit ako sa mundo. Sa katunayan, hindi ako galit sa mundo. Bakit ako magagalit sa mundo? Marami man ang galit sa mundo, hindi ako isa sa kanila. Bakit, mukha ba akong galit? Punyeta.! Haha. Well, sabihin ko sa inyo ang totoo. Hindi ako galit sa mundo. Haha. Haha. Kung galit ako, puno na ng lyrics ng Erik Santos itong blog ko. Nyeta… Hehe. Masaya lang ako kung bakit ako ganito. Haha.
Matatapos na ang sembreak. Balik nanaman tayo sa tambay mode. Balik nanaman sa mga araw kung san masaya ka kasi makikita mo siya. (Punyeta, wag mo ngang ako ang bida dito.) Haha. Yung mga oras ulit ng kulitan at asaran. Mga oras na mangungutang ka kasi naubos sa DOta ang allowance mo at sa Visayas pa nakatira ang magulang mo at feeling mo pabigat ka na sa magulang mo. Yung oras na wala kang ballpen at alam mong nandyan ang faithful friend mo na magpapahiram sa’yo sa oras ng kagipitan. Yung oras na magpapaxerox ka ng notes ng kaklase mo para sa quiz kinabukasan na itatago mo lang sa bag mo overnight. Haha. Yung mga oras na gusto mong manipa ng prof. Haha. Yung mga oras na gusto mong makitulog sa kaklase dahil concert sa school at inabutan ka ng ulan. Haha. Yung inuman na patago. Yung P.E. mo na ayaw mo nang pasukan. Yung yosi na ayaw bitawan. Yung utang mong singko. Haha. Yung kaibigan mong palaging andyan… Haaay…
Drama.
Oh well, tapos na ang sembreak.
At walang magawa.
Kita kits nalang…
Nabablangko ako… Teka lang…
Wait…
O, ano, post nako ng Erik Santos song?
Teka.
Hindi lahat…
1. ng bagay na masarap sa pakiramdam ay maganda.
2. ng tao ay mabait pag tulog kasi may nagsasalita, nagmumura, at naglalakad.
3. ng kotse ay mahal kasi may second hand naman e.
4. textmate ay nanghihingi ng pasaload.
5. ibon ay lumilipad.
6. oras ay malungkot ka.
7. wala kang pera.
        …kasi sabi ng nanay ko, "hindi lahat ng araw ay pareparehas."
Well, hanggang dito nalang ang lahat. Hindi ako si Ate Charo. Alam mo yan..
Hanggang sa muling pagkikita. Kita kits.
Pero tandaan na lahat tayo ay tao lamang. Malalim yan. Reflect on that.
*cnxa na late post.