Archive for October, 2006

Sembreak: Tatlong Linggong Pagpapataba at Pagkataba.

Wednesday, October 25th, 2006

Kung si Jesus ay nabuhay noong ikatlong araw, ako naman ay himalang nabuhay ng 3 linggo sa probinsya sa tindi ng pagkayamot. Lahat ng katext ko, ang reklamo: "Xet! Putangina! Sana may pasok na.", "Pare, anu gwa moh? Aq alam mo yamot na, gusto ko nang magpakamatay…", "Hoy, Lagoy, magpainom ka naman!!!"

Well, kahit hindi kasama yung last statement, parang ganun pa rin yun. Yep, gusto na nilang ibalik ang pasok. Pero di na kailangang pagdebatihan nina Mareng Winnie at Kumpareng Oca ang issueng pag-abolish ng sembreak. (sa mga sandaling ito ay naiisip kong pinaggugulpi na ako ng mga archi at cfad… panahon daw nila itong i-rehab ang kanilang mga kamay). Kahit ako ay tutol sa pag-abolish nito. Putangna, ikaw, gusto mo walng sembreak? Panu nalang ang mga susunod na mag-fifirstyear college? E di hindi sila makakaranas ng sembreak? Xet.

Tanungin muna natin ang sarili natin. Sino ba ang pasimuno ng issueng pag-abolish ng sembreak? Wag niyo na pansinin yun. (sa mga oras na ito ay wala na akong panga. nag warning shot na ang WPD. nanghuhuli na sila ng mga cfad na bumubugbog saken. marami ang nakatakas na archi) haha.

Dahil sa boredom, maaari tayong mamatay ng di oras. Baka nga ngayon e naghihingalo na si Mae o si Lyra o si Kat… Alam mo yung feeling nang nilalatigo ka na slow motion at habang tumatama ito sa laman mo e mabagal din yung takbo ng sakit. Haha. Pero kahit ganun, sana ituloy ang sembreak magpakailanman. Sana ipausad ng gobyerno ang sembreak na may kabuluhan para sa atin. Dapat lahat ay may ginagawa. Kunyari iimplement ang DOta for 3 straight days at yosi for 3 straight hours… Xet (naimagine ko sarili ko namumula mata at masakit ang ulo hindi dahil sa yosi kundi sa pag-aaral kung panu mag DOta) Haha.

Nang binasa ko ang blog ko, naisip kong ang blog ko pala ay katumbas ng pakiramdam ng gisingin ka ng 3 ng umaga at tanungin ka ng 1 million minus 1. Napapansin kong marami na ang nagsusulat ng kanikaniyang blog. Kanikaniyang experiences, karamihan ay school at barkada. At di rin namamatay ang mga emo blogs. Yung mga nagsusulat ng tungkol sa walang kamataymatayang love topic. Hehe. Keep up the good work.

Cge got to go na… Pagpapataba (PAGiging PAPA na MaTABA) rocks… Hehe.

Next tym nalang yung mga nangyari saken at sa inyo at sa mga iba pa na gusto niyong maalala malaman at isnabin…

:">