The Most Beautiful Smile on Earth

Hi blog…

I decided to write this in English to let people exercise their own version of spokening the Ingles language and it’s write spillings.

Ang labu no? Andamidaming Pinoy sa Pilipinas ngayon na gutom. Andaming walang alam sa Ingles, ayun… gutom. Bakit? Pag dehins ka ba marunong mag-Ingles e gugutumin ka na? Aba’y oo naman. Sa lahat ng available profession na maaaring pasukan e dapat me bitbit kang mini-dictionary sa utak mo. Maging karpintero man ang labas mo, labis na pipilitin ka ng kapalaran na matuto ng Ingles. Dehins ako nagsusulat ng Filipino. Naniniwala kasi ako kay Bob Ong at sa mga nagsabi sa akin na hindi lahat ng tao ay marunong mag-ingles. Dehins lahat ng tao e marunong i-spell yung rendezvous. Dehins lahat ng tao ay natututong magbasa at magsulat. Maswerte nga tayo (ikaw na nagbabasa) at natuto kang magbasa at magpasensya sa isinusulat ko. Siguro… ayaw mong magutom. Kaya ngayon pa lang, umpisahan mo nang mag-aral ng English fundamentals… Umpisahan mo sa nouns tsaka ka magtext ng shorcut sa friends mo. Kung dehins mo na kaya, wag mo na ituloy. Marami akong kilala na nasira ang ulo nila dahil sa English. Tama na yan.. Kaya mo naman ata ang mabuhay nang hindi busog.

Marami na ang nagtanong sa akin kung kaninong bunganga ang may pinakamagandang ngiti. Sa lahat ng tanong na ito wala ni isa man ang sinagot ko nang diretso. Ayoko kasi na me kahati ako sa imahinasyon ko. Pero minsan gusto ko me ka-share ako. Kung ibato ko sayo ang tanong na ibinato sa akin, anong isasagot mo?

The Most Beautiful Smile on Earth. Kanino nga ba ang titulong ito? Kung gusto niyo nang matinong sagot, heto na.

Para sa akin, ang may pinakamagandang ngiti sa balat ng lupa ay pagmamayari ng mga Koreana, Intsik, at Haponesa. In short, mga chinita. Sa tingin ko wala nang tatalo sa ngiti ng mga chinita.

Match talaga ang mata nila sa bunganga nila. Dehins ko matanggap na unti-unti tayong natatalo ng mga chinita pagdating sa ngitian. Pero siguro pag ngitian lang magdamagan ay sigurado ako at talo ang mga yun… Basta painan mo lang ng isang milyon ang pagngiti nila ng bente-kwatro oras.

Parami nang parami ang mga chinita sa mundo. Parami nang parami na rin ang mga jologs sa mundo. 11:05 na ng gabi at wala na akong maisulat. Pero bakit nga ba sadyang matibay ang ngiti ng mga chinita? Kung dehins ka pa nakakakita ng ngiti ng chinita, manood ka ng koreanovela.

Sa totoo lang, hindi jologs ang manood ng koreanovela. Para rin itong blog. Pwede mong subaybayan… pwede mo ring isnabin. Sa totoo lang walang jologs na bagay sa mundo. Ang mayron nga lang ay ang jologs na tao. Yung tipong umiihi sa bote ng mineral at itinatapon sa crowd. Sarap.

Balik. Ang ngiti ay isang mahalagang asset ng isang tao. Lahat ng tao pwedeng ngumiti. Pero dehins lahat ng ngiti astig. Iba talaga yung smile na para kang dinadala sa hangin. Yung tipong gusto mong kainin at i take home. Yung tipong gusto mong pakasalan.

Sa tingin ko kasalanan ito ng koreanovela kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit ako naadik sa mga matatamis na ngiti nila. Minsan gusto kong gumawa ng account sa Friendster na naglalaman na puro ngiti ng mga chinitang nakikita ko araw-araw sa TV. Dito na rin ako makakalikom ng ikabubuhay mo. TApos iinterviewhin na rin ako ni Korina Sanchez at kukulitin kung paano ako pinakain ng mga ngiti ng mga chinita.

Nakikita ko na rin ang sarili ko sa araw na yun na nakakulong sa kasong pagpatay sa isang premiyadong reporter na pilit nangulit sa akin kung paano ako nabuhay sa pinakamagandang ngiti sa balat ng lupa…

Pisawt.

Leave a Reply