untitled
sandali akong nag-isip kung ano ang susunod kong gagawin…hindi pa ako tapos mag-isip…hindi pa nga ako gising sa mga oras na ito…ngayo’t nalaman ko na ang kahihinatnan ng pagpupuyat ko ng ilang gabi…ang pagmumuni-muni ko sa klase na walang sinabi kung nakinig na lang ako…wala na akong magagawa…tapos na…
OK…quits…wala nang libro…OK? kung mababasa ninyo ang unang entry ko dito sa blog, ‘wag ka nang umasa…kahit may plot na ako…kumpleto na ang characters…correct grammar na ako…OK na yung climax…quits…kung walang umaasa…hindi na ako aasa…
mahirap sabihing mahal mo yung tao lalo na’t kaharap mo na…lalo na sa opposite sex…sasabihin na lang nating "i love you" pag nakatalikod na yung tao o sasabihin na lang natin sa text…ito ang Pilipino…:x-rated kung magmahal…ito ang Pilipino…backfighter…
mabibilib na sana ako sa Pilipino kung kaya niyang sabihin ang tatlong salitang ito ng diretso sa minamahal niya…pero hindi…napak-duwag natin…ba’t hindi tayo prangka?.. hihintayin pa nating marinig niya sa iba ang pagmamahal mo…ang duwag ng Pilipino…napaka-torpe…
bakit kung manliligaw ay sa text idadaan?..bakit?..at kung liligawan na e sa text pa rin?..bakit?..naitanong niyo na ba sa nanay ninyo kung paano sila niligawan ng tatay niyo? at nang kabit ng kapitbahahy ninyo?..mahirap ipaliwanang ang ipinagbago ng panliligaw ngayon…noo’y may harana…noo’y may suyo…nagayo’y may text na…ngayo’y date ang uso…
balik tayo sa "i love you"… gaano ka katapang upang sabihin ang aylabyu?.. nasusukat ba ‘to?..ewan ko?.. pero hindi katapangan ang namamagitan sa pagsasabi mo ng aylabyu…higit pa riyan parekuy…nasa damdamin at katapangan yan… ang corny noh!…
magpapaka-duwag pa ba tayo? hindi natin alam kung kailan siya mawawala sa ating tabi…aylabyu lang naman ng harap-harapan…di mo kaya. tawagan mo na…
P.S.
hindi po ako ang bagong endorser ng PLDT o Alcatel…
sa panlilinlang lamang po ito ng tao…
ito ang aking specialty…(*sabi nino?*)
—-ako—