Archive for September, 2005

isang buwang puno ng kaba at kababalaghan

Friday, September 30th, 2005

natapos na rin sa wakas ang Sangkan IV na pinagpawisan at pinaghirapan ng mga seminaristang naka-isolate sa mundo sa labas…buti na lang at naiuwi namin ang nabubulok at mabahong bacon na iniwan ng mga delegates sa dorm namin…kay saya ko at ang aking mga kaibigan nang makuha ang over-all championship… 1/11!!!…ngunit hindi ito ang dahilan kung bakit gusto kong magsulat nito..

alam niyo naman yung last stanza ng The Day You Said Goodnight…bakit ba nakakarelate? (*uy hindi sa akin ha*) syempre nagmamahal ka’t nawala ng bigla…hindi naman siguro masakit yun…kung hindi mo niligawan o hindi mo man lang kinausap ng personal…pero pag niligawan mo na ng siguro 14 months tsaka malaman mong may iba na siya at 11.5 months na sila…ano kaya ang feeling no’n?.. ganyan naman talaga ang buhay basta pag mawala tignan mo na lang hanggang sa maluha ka…

ang tanga naman ng babaeng yun…ang gagawa lamang no’n ay ang babaeng wala sa sariling katinuan…SISA…pero siguro gagawin niya yun dahil may rason…ang hindi makatarungang rason…o ang rason na maiintindihan mo dahil may pimple ka sa loob ng ilong…o ang simpleng rason na lolo mo ang nang-rape sa lola niya noong unang panahon… maraming rason iyan…rasong maiintindihan mo at yung rason na kailangan mo pa ng calculator at barometer para maintindihan…GANYAN ang buhay…

pano ba yan pag nagawa sa’yo yan e di hindi mo na makakanta ang mga paboritong love songs mo at lalo na ang theme song ninyo na ikaw lang ang nakakaalam na may theme song kayo…uuwi kang makikinig sa nakakalitong kanta ng Air Supply at mga gurang na solo singers noong panahon nina lolo’t lola…

taon ang reformation niyan…kailangan mo pa ng sariling psychologist niyan at babayaran mo pa ng nakakangangang consultation fee…iiwan ka na lang siguro na pamilya mo sa orphanage at ituring na hindi ka nabuhay sa mundo…total baliw ka na talaga……..sa pag-ibig na wagas…

magpapakabaliw pa ba tayo dahil sa pag-ibig na parang unggoy kung mangagat? hindi lang Diatabs ang gamot diyan…hindi rin Imodium…di Bactidol ang uubra diyan…ikaw ang gamot kung magpapadala ka…kung tanggap mo naman e di ayos…maraming tao sa mundo…

MAMILI KA NA……….

(*pasensya na…wala ako sa matinong pag-iisip sa mga oras na ito…pls.bear with me…*)