Bday Bash

June 6th, 2007 by vinchhimself

            Sa kabuuan ng aking buhay, marami akong maipagmamalaki. Marami din akong mga pagkukulang. Marami din akong mga bagay na ninais na

sana

‘di nalang nangyari. At marami na din akong napagdaanan. Hanggang ngayon ay marami pa din akong mga pangarap na nais tuparin. Kung makita mo ako dating isang ordinaryong mamamayan na parang walang pakialam sa buhay, o kaya mukhang walang pakialam sa pag-aaral, pwes di naman dun ang batayan kung bakit bababa ang tingin mo sakin. Siguro sa isang aspeto pwedeng ganun kasi hanggang dun mo lang ako kilala.

          Noong nakaraang June 2 ay aking nagdiwang ng aking ika-18 na kaarawan. Teka, ba’t straight ang Tagalog ko? Shet. Hehe. Basta yun. Andami pumasok sa isip ko nun. Andaming pagsisisi, mga pasasalamat, mga tanong at iba pa. Sa mismong birthday ko e ‘di ako gaanong naging masaya kasi wala namang dahilan para maging masaya nun. Ang unang 17 yrs ko sa mundo siguro ang pinakamalupet na mga taon. Dun ko naranasan ang pinakauna kong mga pagsubok sa buhay. Sa ngayon, ‘naghaharvest’ na daw ako ng mga eskwelahang papasukan ko. Sa lagay na ‘to masasabi mong wala akong pangarap. Sa lagay ko, pwede kitang patayin at pwede nakong makulong. Haha. Joke. Meron akong mga pangarap na sigurado ako ‘di mo alam, ‘di rin alam ng mga magulang ko at ‘di rin alam ng mga tao sa paligid ko.

          Sa pag-aaral ko, madami na akong napagdaanan dyan. ‘Di mo naman pwedeng ipagmalaki ang mga pinagdaanan ko kasi di naman maganda ang mga yun. May mga pagsisisi ako sa mga nangyaring yun pero mas madami ang pwede kong ipagmalaki. Marami naman akong napatunayan na ‘di ko alam e magagawa ko pala. Pero siyempre at masaklap e ‘di ko lang nabigyan ng pagkakataon ang pag-aaral na gustuhin ako. Yun lang =-(. Wala namang sinayang dun eh (well, pera at expectations pero who knows I’ll be reaping one of the best paths in life someday). I had a great time meeting new people in every angle I turn my head to. Fun.

          Sa pag-ibig, (heto nanaman) sa ngayon, ‘di pa ako tsumatsamba. As in, wala. Wag moko tawanan. Gago. Haha. Mahina naman talaga ako eh. Great. Teka, ang tipid ko yata. Haha. Kasi wala naman dapat ikwento eh. Well, merong mga istorya na talagang tipong dapat i-share pero sa next entries nalang siguro. At wala ka naming sasabihin kundi, ok lang yan, madami pa dyan, mag-aral ka muna, yun ganun. ‘Di pa para sakin yan. Iwas mode muna tayo dyan. Bawal din magkagusto sakin (kung meron man). Ayoko. Suntukan tayo. Not gay. Shet, ang tipehd!  Bawal din ako magkagusto sa iba. Wag.

          Sa mga kinacareer kong mga pwedeng pagkaabalahan, nasa banda ako ngayon at kasalukuyang gumagawa ng mga kanta. I currently play rhythm guitars (well, nowadays la na yung tipong may lead at rhythm, basta guitars nalang, in our case, may lead {si Mark} and we’ll be doing alternate lead melodies) sa Andie’s Boxx. Haha! Isa palang ang gig na natugtugan ko at sumablay pa. Well, it was a good start for me. So maraming pangarap bandmate ko (si Mark) para sa band. Kasi siya yung bumuo eh. Hopefully,

sana

magdilang-anghel si Mark sa mga

plano

niya. By January, may EP na siguro. May pera na ang banda nyan.

Sana

… Be optimistic! Yes naman… Pls support. Aus.

          Wait, ikwento ko yung

plano

namin ni Jay. Bubuo kasi kami ng banda eh. Pero it’ll be just for fun. May pangalan na nga kahit di pa kami nagjajam. Ang

plano

eh magiging reggae-punk kami. Kung ang Silent Sanctuary eh orchestral rock, kami naman ay reggae-punk. O di ba? Kakaibang genre yan. Gagawin namin yan. We’ll be covering Weezer, Dashboard (nagmakaawa pa ako kay Jay), Blink 182, AVA, Plus44 atbp. Syempre di lang foreign di ba? May OPM din. Yung pangalan pala e AIMEE. ‘Di mo na kailangan tawagin si Robert Langdon para i-decipher o i-deduce yan. Madami siyang ibig sabihin. Well, kinda philosophical. Isa sa mga reasons kung bakit yan ang sinuggest ko eh dahil philosophical nga. Gusto namin may meaning ang tugtugan. Simply “I AM ME”, “AIM AT ME”. Ay, dalawa lang pala. Hehe. Anyways, so un… Tuturuan ko pa siya magdrums. Shet. Mga pangarap talaga.

          Sa mga dumaang panahon, lumaki akong ‘di pinabayaan ng mga magulang ko. Sa edad kong ‘to eh hinahanap hanap pa din ako kahit asa harap lang ako ng bahay. Hanep. Lumaki naman akong marunong mag-isip ah. Yun nga lang, minsan pumapalya. Pero it helps. You can’t talk about life without mistakes. So I hope we have more birthdays to come. Kasi isa lang yan sa mga pwedeng palusot ng inuman sa amin. Haha… Well, have a nice day, my friend. Ang daldal ko ngayon.

Why Race If Not Racist? Anu Daw?

May 19th, 2007 by vinchhimself

Cueshe1  Habang ako’y nagsusulat ng aking ikadalawampu’t dalawang entry sa aking blog. Ngayon ay maayos na ang keyboard ko. Sa bahay ko na ‘to ginagawa at hindi sa isang net shop kung san dumadating ang oras na para sa’yo ay legal ang pang-uupak ng katabi sa kasisilip sa monitor mo. Hanep.

          Sa mga oras na ito ay naiirita ako sa RnB na pinapatugtog ko sa radyo. Naalala ko pa na dati lang ako naaliw sa mga ganito. Ngayon, ay ewan ko lang. Di ko na kasi gusto eh. Ikaw ba? Hindi naman sa pangit ang tugtog, pagkanta nila. Siguro hindi ako marunong sumayaw o di hilig ang mag rap. Dito sa probinsya namin, madalas ang ganito sa radyo. Nagiging masyadong paulit-ulit nalang. Medyo nakakairita. Sa mga araw na ganito, sino ba naman ang hindi maiirita na hanggang ngayon e number one pa din ang Narda ng Kamikazee?! Exagge ba? Joke lang. Basta masyado nang ka-ewanan.

          Racist ka ba pagdating sa tugtugan? Tipong dahil naka oversized jersey ka ni LeBron e ayaw mo na sa banda. O pag naka emo look ka e ayaw mo na sa hiphop at itinuturing mo na itong ka-level na ng praise songs at di ka na rin sumasayaw. Sigurado ayaw mo din sa Cueshe at minsan e Hale… isama na din ang Sponge pag gusto mo lang na ayaw mo sila.

          Teka, anu nga ba meron sa Cueshe?! Bakit tila ba pilit ibinabaon ng mga tao ang mga gawa nila? Bakit ba pag napalapit ka sa videoke at narinig mo ang isang tambay na bumirit ng Ulan eh kumukunot mukha mo at sabay tinginan ng barkada? Bakit ganyan kayo?! Isa ang Cueshe sa mga composer-bands na pilit gumagawa ng mga sarili nilang mga kanta. Hindi tulad ng iba na ang sumasalba lang sa career nila e puro gasgas na revival na. Wala akong pinapatamaan ah. Basta, madami naman dyan na hindi nila sariling gawa ang nagpasikat sa kanila.

          Minsan nakakiritang isipin kung bakit sarili nating mga banda sa ‘Pinas e pilit nating pinapababa. Na kung bakit ang mga tao ngayon eh hanga sa banyagang mga tao. Dib a nila alam na mas hanga sila sa atin? Exagge ule? Malay mo. Di ba?

          Di ako super fan ng Cueshe. Hindi rin ako pinakamababang fan o fan ng Cueshe. Fan ako ng ating industriya. Wala lang. Kahit Shamrock e ayaw ng iba. Mahn, they make music like you do siguro or like music like you do.

          Bottom line is, kanya kanya lang tayo ng trip. Kung ayaw mo, e di ayaw mo. Wag nalang siraan. Siguro. Ata. Basta. Ok lang kung banyaga ang ikutya mo. Di ba?

          Tangna, di magtatagal at bubuo ako ng partylist nito. Haha

          O well, guys. Hanggang dito nalang. See ya!

Ba’t Ang Tiyaga Ko?

May 6th, 2007 by vinchhimself

Ang dami dami nang myspace users samundo at hanggang ngayon ay hindi pa ako nagkakainteres gumawa ng account nito. Hindi naman sa wala akong camera noh (at di naman siguro kelangan ng camera para makagawa nito). Atdi rin sa hindi ko alam gumawa. Haha. Wag moko tawanan. Mas feel ko pa magsulat dito sa friendster kasi dito nadadaandaanan pa din ng mga friends. Kaya ok lang. Kahit walang bumasa, wala sa akin (ngek). Haha. Di ko sila pinag-aaway, ito lang ay ang sa aking convenience lamang. Xet, nagloloko ang spacebar.

Ba’t ang tiyaga kong magsulat ng mga bagay na wala namangnagbabasa? Tangnang spacebar. Ewan ko. Kasi outlet ko ito? Siguro. Ito lang ang kaibigan kong pwedeng lapitan pag may problema eh. Pero kelangan ko pang pumunta ng ibang bahay para maki internet o kaya humanap ng mood para makadalaw sa netshop. Dati meron din naman akong masasabing mga "fans" ko. Haha. Sabi eh ituloy lang, e ako si gago, tinuloy naman. Haha. E ganun e.

Marami ang rason kung bakit nananatili akong manunulat sa sarili kong mundo na ako lang ang nakatira (lalim mehn..). Pero di nga. Una, gusto ko naisusulat ko ang mga bagay na alam ko na sigurado e hindi mo alam. Pangalawa, dahil sa may mga taong alam kong bumabasa nito. Kung wala, baka si Lord o baka napapadaan lang o aksidenteng naclick lang. Haha. Pangatlo, di pa nawawala sa isip ko ang amibsyong gusto kong makapagsulat nglibro (xet na spacebar). Kahit ung coloring book lang pwede na. Corny ko talaga. Haha.  Pang-apat, minsan kasi ang mga tao e ayaw makipag usap sayo kasi siguro iba tingin sa’yo. O minsan napapaisip ka na hindi ka kasi nila kilala kaya ganun. Kaya ang tangi mong kausap e ang blog: kinakausap mo, di ka naman mabigyan ng payo.

Ganda pala ng Anghel ng Stonefree. Haha.

Miss ko na si Leonel na guard sa dorm namin. Gago kasi siya eh. Tutulug tulog. Yon. Naalala ko tuloy yung sinabi nya sakin dati na sana makapulot siya ng dalawang bag ng pera na puno ng madaming pera. Ano’mg gagawin nya dun? Magpapatayo daw siya ng paupahan sa tapat ng dorm namin at hahakutin daw kami lahat. Haha. Isa pa sa mga sinabi niya sa akin na hindi ko makakalimutan e ang "masarap mag-aral". Lagi nalang na ganun. Di ako nagsawa sa mga sinasabi nyang ganun. Kahit minsan e paulit ulit nalang. Ang pagiging "kuya factor" ay nakita ko sa kanya. At isa pa palang gagawin niya sa pera e panchichicks namin daw. Haha. Di ko makakalimutan itong taong ito. Sanabinabasa mo ito, tol. Dadalhin ko lahat ng mga sinabi mo hanggang sa makapagtapos ako. Miss ko na mga jamming natin. Huhu. Smile na.

Marami akong pagsisisi. Marami din angpintas sa akin. At tiyak meron din sa’yo. Kung meron mang isang katangian na meron sa akinna wala sa iba, xet na spacebar nakakatamad bumalik sa word na magkakadikit, ito ay yung pagtanggap sa pagkakamali ko at ang pagpapakita ng weakness. Di ko rin maiwasan ang pagbawi sa mga sinasabi ko. Though I maynot be a man of my word, I know what I did will make the best out of me, and that’s sincerity. Minsan aliw ako sa mga taong matigas na pag nasabi na nila, e nasabi na. Yun angmay paninindigan.

Hanggang dito nalang…

Bye… Smile…

Sa susunod ule.

Someday

April 28th, 2007 by vinchhimself

Aning na aning ako sa kantang ito ni Nina. Haha. Para siyang hopeless na kanta. Parang nirereverse psychology ni Nina yung ex niya na ewan. Para bang pag kinanta nya yun ng live, mapapasiagaw ka ng, "Asa!!!" Haha. Joke. Basta parang nakakaawa siya na di mo malaman.

Isa ito sa mga kahinaan ng lalaki, ang makita ang isang babae na powerless, umiiyak at walang magawa pa iniwan mo sila. Para bang para di na siya malungkot e you stay a little bit longer. Pero di mo alam e mas masakit yun pag iniwan mo din. Pinatagal mo pa. Para bang kunyari sa tule, imbes na diridiretso na ang operasyon e magyoyosi break pa. Ala Machiavelli. Haha.

Ata. Di ako sigurado sa mga pinagsasabi ko ngayon. To be continued…

haha.. tinamad nko… bye!

Bitter Ending

February 19th, 2007 by vinchhimself

Ayoko nang maging bitter o emo. Meron mga nagsasabing pag naririnig nila ako eh bitter na ko. Hindi man lang nila inisip na ironic akong tao. Pero nag-eemo din ako minsan. Pero hindi ako galit sa mundong kinatatayuan ko. Ba’t naman ako magagalit di ba? Lalo na at minsan ay pinagbibigyan ako ng tadhana at minsan ay tila bang parang tinatakluban ka ng langit sa dami ng kamalasan mo. Yung tipong sunud-sunod na kamalasan. Dati nga e M-W-F lang. Ngayon minsan pinaghalong M-T o T-W. Xet talaga. Meron ba akong ginagawa na nakakasama sa kapalaran ko? May mali ba sa ginagawa ko? Ba’t naman ako magagalit sa mundo? Di ba? Trip lang yun.

Naitanong mo na ba sa sarili mo kung bitter ka? O nabilang mo na ba ang mga swerteng bagay na naganap sa buhay mo? Kung hindi pa, malas yata kung bibilangin mo eh. Kaya wag nalang. Parang yung hagdan, kung bibilangin mo yun, mamalasin ka at mapapadalas ang pagdapa mo. Ganun. Basta. Marami na rin akong mga swerte. Yung matatawag mo talagang swerte. Yun ang di ko mabilang sa sobrang dami. Haha. Yabang. Actually, konti lang yun. Karampot lang. Parang sa pamamalimos. O sa sweepstakes. O sa lotto.

Nung valentines day pala, asan ka? Tsk, malamang wala kang ka-date. Basta walang ka-date ang nagsusulat nito, walang magiging ka-date ang magbabasa nito. Uy, hindi ito sumpa na kung san kelangan mo pa ng kung anu-ano para maiwasan ito. Haha. At hindi rin ito genetical o naipamamana. Basta nung araw ng SOGO, ay este, ng puso pala nasan ka? Sa Baywalk? o sige na nga, sa SOGO, sa Malate, o kung wala kang pera at allowance mo nalang, sa carpark o karatig c.r.? Uso kasi yan eh. Uso ang tinatawag na quickie kung san pabilisan ng alam mo na yun. At yung short time. Haha. Madami na ba akong alam? Wala nga yan lang ang alam ko sa mundong ito. Inosente pa ako. At sa UST naman walang mali sa tinuturo nila. Mukha ba akong nagsisinungaling?

Nakakapagpapawi ba ng lungkot ang isang ngiti? Kahit kaninong ngiti? O piling mga ngiti na makikita mo e me kanya kanyang epekto sayo? Panu pag ngiti ng pulubi? Ngiti ng nanay mo? Ngiti ng baklang me gusto sayo sa kabilang kanto? O ngiti ng taong may HD ka. Haha. (*para sa mga hindi nakakaalam kung ano ang HD, ito ay ang Hidden Desire o patagong kalibugan. tma ba? o patagong pagnanasa. Whatever*) Woohooo! Ndi ba maligaya? Masaya? Tangna yan. Parang drugs lang ata yan eh. Pampapawi ng lungkot o kung anu man. Pero malay ko kung uubra yan sa utot. Basta, di ba naramdaman mo na yung panandaliang saya na yun? Yung umasa kang mayrong ibig sabihin yun? Haha. Yung napahiya ka ng sarili mo? Haha. Loser. Yun pala ngiti lang yun na walang kinalaman sa nararamdaman mo. Napaglaruan ka. Yup, xempre naranasan mo na yung umasa kang may ibig sabihin yung ngiti. Kung wala, tae ka. Cguro. Malamang. Hehe.

Gusto mo ng mga payo? Haha. Asa kang matinong payo. Kumoment lang. Advisable din yung naghahanap ng bitter na advices. O pwede rin wag na. Basta. Cge… blanko nako eh… magkukuko pako. Hehe. Bye,. at maglalaba din. =)

MCR rocks.

s

Ang Araw

January 19th, 2007 by vinchhimself

Pagod nalang palagi ang nasa isip ko sa tuwing gumigising ako at maliligo para makapag-ready papunta sa school. E yun naman kasi ang talagang mangyayari e. Ang wlang humpay na tambay at kuwentuhan, ang mga walang katapus-tapos na joke time, at ang walang katapusan na tawanan sa mga walang kwentang bagay. Alam ko na hindi ako nag-iisa. Marami din ang tambay sa school. Mga masasaya dahil half-day lang ang pasok palagi. Haaaay, ang buhay nga naman.

Maiba tayo. naguguluhan ako kung sino si Poknat at si Bokbok. Haha. Kung sino si Kim Chiu at kung sino si Gerald Anderson. Alam ko na pero napapaisip pa rin ako ba’t naman sila bubuo ng ganong pangalan? Bakit hindi nalang Bert at Mildred? Haha. Well, siguro para maiba naman ang tema ng telenovela ngayon at para maemphasize ang mga characters ng mabuti. At para isipin nating palayaw lang ito ng mga bata. Poknat at BokBok. Ok lang yan. Buti nga hindi Kuliti at Kuto eh. Ampangit kaya. O kaya Ingron at Regla. Haha. O pwede ring RX3@3 at YTC^s para medyo futuristic ang dating. Hehe.

Ang hirap talaga ng walang pera. Napipilitan kang umutang ng wala sa oras, magpalibre ng magpalibre, at magpalibre ng magpalibre sa mga kaibigang bigay naman ng bigay… Tenkchu!!!

Anu ba magandang pag-uspang ngayon at mainit? Wag Zagu, mahal yon! Hm… Si Nostradamus? O ang sunud-sunod na nagtetext sa yo na di mo kilala? O cge yun nalang. Nag-iisip kasi ako ng pwede kong pagtuunan ng pansin ng kahit isang linggo lang para may kwenta naman kahit papano ang buhay ko. Iniisip ko kung ba’t pag lasing ang tao e lumalakas ang loob niya. Lalo na pag nakamotor xa e ang lakas niyang mag-angkas ng 3 tao. Haha. Pwede naman siguro yon pero nakakatawa lang sila pag nakamotor. Ung driver e nakaconcentrate kasi lam niyang nakainom xa tas ung nasa likod niya e nanginginig. Yung panglawa naman e nakatulog na, at yung pangatlo naman e sumusuka na sa likod. Haha. Ayos! Pinoy nga naman. Very caring sa barkada.

Ako naguguluhan din sa mga barkadang nagkakainlaban. Yikee. Mapapansin mo nalang pag sadya nang umiinit ang gilid mo. Wala ka namang magagawa kundi ituloy ang mga kwento mo. Mainit lang kasi kaya ka nadidistract. Haha. Mahihiya ka namang mang-asar kasi mukha ka lang gago. Oh, come on. Hehe. Magugulat lang ako siguro pag biglang nagliyab ang mga sumunod na pangyayari. Haha. Well, maging masaya ka nalang kung ganun. Hehe. Tuloy sa mga kwentong corny, sa mga gusto mong gawin sa mga dormmates mo, sa mga gusto mong gulpihin, at sa kung gusto mong makautang. Xet…

Bye! <@> 

Teka part 2

December 10th, 2006 by vinchhimself

Gusto ko sanang maging dentist paglaki ko.

O ayan… Ayoko na nang pinag-uusapan ang past at present. Naniniwala akong mas mpait ang present kesa sa past at future. Yun lang yung akin. Kaso di pa rin maalis s isipan ko yung past. Well, kung ayaw talaga at walang magagawa, isama nalang sa mga lakad mo. Painumin mo. Pasahan mo ng baso at chaser para matuwa naman sayo. Bayaran mo na rin ng pamsahe, 6 lang kasi estudyante rin. Magtabi na in kayo sa kma para masaya. Tas ayain mong tumambay sa field. Un. It’s just a way of saying thanks fo everything. Cguro kung wla lang talagang dumating na ganun sa buhy ko, cguro hindi ako natatauhan sa mga pgkkamali ko. I’ll not be the Dre you used to know. Iba ako siguro. Oh well, salmt.. Yaan mo, seryoso ako sa "sagot-ko-pmsahe-mo program".

Sa future, gusto ko ng isang successful n buhay. Isang magandang asawa… (DEMaNDING BA?), at mass count of children. Gusto ko lhat panganay… Haha. Joke…

For the last time, napagisip-isip kong last entry ko na to para sa present ko… Peo I can sense na hinding hindi ko maiiwasan un. So I can’t promise. Try lang.

Gusto ko may sense ng kahit no ang buhay ko. Kahit man lang makapag-plant ako ng tree bago ako mamatay. O kahit makapagsult ko ng libro. O makapag-father ako ng super duper n mga tadpoles… o kaya a biiiiig pawadise of tutule. Hehe. o pwede din tutubi…

Kahit man lang nabigyan ko kayo ng matatamis kong yakap, halik, at ngiti. Un. but I’m not ready to die yet. Marami pa akong luhang dpat iiyak, gagaguhing prof, liligawan habmbuhay, at marami pang anak na palalakihin. Hehe. Sino ba naman ang ready mamatay ngayon? As in ngayon na? Itaas ang paa? Basta.

San ka ba makakatagpo ng kaligayahan? Yung tipong panghabmbuhay ang dating? Well, natanong lang.

Nasbi ko na to dati e… "Alam mo ba, para sa akin, kahit maya’t maya gusto ko ng pakiramdm na galit at di-mapkali." Yung tipong may iniisip palagi. Peo hindi galit sa mundo. At dapt wlang kahit anong epektong msama sayo. Wag naman lagi. Parang khit ppaano, ung bitterness dumidikit sayo. Para kahit papaano may pagkakamali ka. Meron parating room for improvement sa buhay. Kelangan natin ng problema para makita natin kung ano pa yung kulang, yung dapat baguhin at yung dapat galingan pa. Andun pa rin yung desire for perfection…

Ayoko pang mag-paalam. Mmi pa akong gustong sabihin. Marami na in akong hindi nasasabi sa mga kebigan ko. Nagkakasala na ako. Hehe. Magkakaalamn din. Basta.

Minsan naisip kong bumalik sa linya. yung tipong bumalik sa pagpapari. Kahit Philo Major ako e may "calling" pa akong naaramdaman. Naka-silent p kasi ako e. Ayoko pang ilipat sa "loud" o "discreet". Lord, wg niyo muna ako guluhin pede ba? Hehe. Joke. Mahirap magsalita ng patapos. Feeling ko sa buhay ko, pang chapter 56 pa lng ako e. Marami pang chapters akong dapat i-fill. Marami pang kalabaw ang dapat isilang. Marami pang criminal ang dapat huliin.

Hanggang dito nalang siguro… Blanko na utak ko eh…

Mabuhay pa rin si Kim Chiu… at siyempre ako… at ikaw…

"Mahaba pa ang buhay.. Kung mamatay ka ngayon, malas mo"

                                                                   -dre.

Teka part1.

December 7th, 2006 by vinchhimself

Ui,

Ngaun lang ako talaga magpapatama sa blog… Ang magtanong na kaklase ko tungkol dito, naku, ewan ko lang.

Wala lang. Feel lang talaga magbanta.

What does it take to be a superfriend?

Sa akin kasi parang patas lang ang pagiging mag M.u.(Mag-un) at ang pagiging committed. Parehong masaya siguro ang feeling. Ganun na rin yon. Ang pagkakaiba lang talaga siguro nito eh, ung pagiging official co-better half ng isa’t isa. Parang 1cm. lang ang agwat ng M.u at isang official relationship e. Parang assurance lang na you are giving a part of you not because of something ordinary. You are giving a big part of yourself to that person you know who would handle that part of you. Ang M.u. kasi parang "kayo" pero hindi talaga yung literal na "kayo". At andun na rin yung expectations na magiging kayo… someday… somehow.

How does it hurt when it ends?

Of course masakit kahit hindi naging kayo tapos tinapos na. Parang pareho lang. Tingin ko mas exciting pa ang superfriendship kesa sa isang official relationship e. Correct me if I’m wrong pero, sa M.u kasi, you get to discover new things everyday. Well, you might say na mas sobra ang isang official relationship. Sa akin lang kasi, sa M.u, palagi kang nanghuhula, palagi ka nalang magtatanong. Alam mong meron nang bagay sa pagitan ninyo pero pwede pa itong mabago kahit kelan. Walang pinipiling oras… walang pinipiling lugar. At hindi mo na alam nagkukulang ka na pala.

Sa isang relationship naman, nandoon na yung trust at assurance ninyo. Wala nang dapat i-discover na talagang magpapasaya sau. You discover things naman e, pero hndi katulad ng sa M.u. Ang kelangan mo nalang na gawin e ang pantilihing healthy ang relationship ninyo and make the bonds stronger.

Uso na ito. Daw. Uso na daw itong M.u M.u na hindi kau pero masaya kau. Yun ang sabi nila.

Nasaktan lang talaga ako siguro kaya ako nagkakaganito. Haven’t heard of the other side yet. Yung matinong version. Di ko rin alam kung nasaktan din siya sa ginawa nia. Sinabi naman na nasaktan din. But that’s not enough. Pilit ko mang ayusin talaga, walang matinong version ang naisasagot sa akin. Siyempre to make things straight, kamustahan muna. Tapos maganda na rin yung biglain mo sa medyo dulo na habang medyo nagkakailangan na kau. Yung tipong nagkukuwentuhan kau tungkol sa buhay tapos biglain mo nang, "anu talaga nangyari sa atin?… kwento mo nga…".

Honestly, yung mga masasamang bagay na pede mong isipin at paghinalaan kung bakit nagkaganoon, inicp ko. Walang nakapagpigil sa akin na hindi isipin na "kaya mo ‘yan". Talagang dito lang lumawak ang isip ko at napaisip talaga nang husto… Dito lang ako nalungkot talaga. Dito rin napatunayan na sa umpisa parang wala lang, nagtatapangtapangan, pero pag tumagal… ganun.

Hanggang ngayon e naguguluhan pa rin. Plastic ako pag sabihin kong ok na ako. Pero hindi pa naman ako suicidal. Talagang walang matinong version sa mga pagkakaintindi ko. Mahahaba-habang inuman to… eshte… pag-uusap ‘to.

Hindi naman sa binabalik ko kung ano man ang naging tinginan noon. Gusto ko lang talaga maibalik kung ano yung naging pagsasama at turingan talaga. Miss ko lang talaga yun… Tanungin moko kung anu kulang sakin, sagutin kita ng "siya… at iPod." Un…

Di ko sasabihin kung sino nagkulang… Teka, sino ba?

SA’Yo:

Usap muna tayo. Ung matino… Gusto kong maliwanagan ang lahat.

I’ll admit na meron paring konting intentions of bringing back the times. Pero I’m just beginning to forget about it. You should forget it by now.

Well, kung tau nga, tau talaga di ba… Pero tulad ng sabi mo…"bata pa tayo… marami pa mangyayari sa buhay natin." I’ll just stick my nose on everything you said.

Sa inyo:

May mali ba sa sinabi ko? Hayaan na ang typo error. yung sa mga sinabi ko lang. Pls. correct me… Naiiyak ako.. Sa totoo lang… Sabihin niyo nang madrama… Be vocal… Comments…

Geh bye…

4th Year Damn Articles

December 1st, 2006 by vinchhimself

Mga articles ko nung 4th year H.S. (cnxa na kung wrong grammar. d ko pa nbasa to, pinost ko lang pero ako may gawa nya… cnxa na rin kung english… marami pa to.. abangan…)

Andre Vincent G. Lagoy                                                                             September 1,2005

SPEECH IV                                                                                                     Article No. 10

3 Days… 72 Hours… 4,320 Minutes… 259,200 Seconds…

            We all know that 3 days is not sufficient for us to have fun or do a mandatory job or task if it is that hard to do. Three days isn’t enough for us to master Latin grammar. Three days isn’t enough for you to persuade your babes to say “yes”. And three days will never be enough and it doesn’t end there. If I had three days to live, I would live my life the fullest. It may be or may be not impossible to live your life the fullest but you can. Some say we can but we may not live our life the fullest in the span of three days. Some common answers you would hear if you throw this question to others would be: he would take his confession, he would stay with his family, and he would apologize to the person he had fought with, or pay back the time you didn’t give your dog. These are just possible answers you would hear from different people.

            On the first day, I’d start my tasks earlier than my usual rising. Three o’clock would be a good time to rise. In moments like this, you would surely feel depression. You may want to cry but you don’t want. You start to look at the clock and listen absent-mindedly to the ticking sounds as you recall your happiest moments. As I said, I would rise up at three; I would call up my friends and invite them for a slumber party in my house tonight. If it seems too early to call out a slumber party, they would know if I die after 72 hours. After hearing them nag about me calling a slumber party in the wee hours of the night, I get then my favorite movie and stick it onto my DVD player. Watching Titanic in these times is a good idea. I could spend my four hours watching two adults show intimacy with each other and a real pretty ship sink amidst people in life jackets and safety boats.

            The movie will maybe finished at ten in the morning if I slept during the movie, and it might have bee finished at eight if ever I savored the movie’s scenes. Let’s say I didn’t sleep. After fixing things in their proper places, I would go out the house and bike around the city. You will again feel intimidated because you will get to see your last glimpse of the city and it’s every corner you grew up into. During your biking, you would likely see early people who work for a living. You would miss them. The smell of the freshly baked pan de sal you often bought during the late afternoons, you would smell it your last. You will be able to meet your crush on the street and that would be your last “Hi!” to her and her response is all that you will bring in the after life.

            Afternoon comes and you’ve finished your lunch. Switching on the TV, you saw your favorite variety show. You will feel depressed again because this might be the last time you would watch your favorite variety show, and it may be your last laugh. After three hours, 4 o’clock in the afternoon comes. You would prepare for the slumber party you called out in the middle of your friends’ deep sleep. You would prepare it nicely. Serving it the way they won’t forget you is a nice thing to do. Cooking the food yourself would be a better idea. When they come, they don’t have any idea it would be your despedida party. After singing, you eat, and then sing, then you eat again and you somehow open the topic of the “old days”. Still, nobody had the idea of you leaving him or her, for good. Reminiscing would be the worst part of the party but it could help you overcome your depression over the concept of leaving the world in 4,320 minutes.

            After countless hits and misses in your life, everybody finally goes home. You clean the mess up and you would think that this night wasn’t really that bad at all. You are now exhausted from that memorable night. You have something to take in as memory after life. Sitting down the sofa is a good idea. You stare at the TV and you will suddenly feel deep exhaustion. Mr. Sandman puts on the sleeping dust onto your eyes and you feel sleepy. But realizing death again, you grabbed the nearby alarm clock and turned it to alarm at four o’clock. After feeling sleepy for minutes, you finally dose off. Your mind flies in different directions. Memories start to go back where it began. Times like your first shot in a basketball game, your first written sentence, your first crush, your first pet, and the first site you’ve opened in the Internet. Suddenly, the alarm clock starts to ring it’s insulting and monotonous alarm. You see it’s exactly four in the morning.

            Feeling the stress, you feel being pitied again and again and again. What should you do next? You spend your time with…yourself. Why don’t you go to the mall and buy things with lifespan of 2,520 minutes. And suddenly you see yourself riding a jeep going to the nearby mall. Everybody was happy. No one was aware that you are going to die in 2 days. After minutes of thinking nobody knew you were going to die, you see yourself looking at a nearby branded sports shop. You look at the nice shoes and accessories you will miss. Then you go to a nice spot where people buy clothes and some garments. All things are branded and never forget that you too are branded. We are made and distributed by God™. You buy things you fancy most. Most of the things you bought were food. After being full of seeing what this nice world could offer, you then go to out of it before you let out crazy tears of depression. You would ask God why you got to go in the last 155,520 seconds.

            The sun is almost set and still you aren’t ready to meet face to face with your maker. You set off to your home. Your home is where you had lived your life the most. This is the place where you had almost all your “firsts”. At seven in the evening, you get on beside the telephone ready to call whom you would like to call. Eating the food you bought, you lift up the handset and started dialing the number of the most special person to you. The person though not your own blood, had always filled you with lots of joy, miseries, and advices in how to live the life as a normal life. You didn’t tell the person about the new news about your life. The best move you could make. After hours of talking, and after saying special words, you say the last goodbye to each other. You would cherish the day that special person said goodnight. You set the alarm clock again at five in the morning. The last day would be the last 24 hours. This day should really be special…

            The following day, you will see yourself kneeling before the priest. Like I said on top, one of the commonest answers of living your life in three days is going to confession. Do you always wonder why the priest is so lenient to you and your often-committed sins? After your devout penance, you will be with your faithful family. The last 15 hours is maybe the crucial part before dying. It’s either you would perspire a bucket of sweat or faint in the middle of nowhere and awaking with devils by your side. How could death convicts feel about dying in a designated time? You know you would die, and you might feel uneasy or uncomfortable because you’re leaving. It’s too late making a last will and testament and you don’t even have something to pass to. Well, you might pass your T-shirts to your younger siblings. Eight hours have gone and you will have to meet God. Now, you must be preparing a speech of how you could describe your lawful stay here on earth. Seven…six…five… and four hours to go and you would be seeing a tunnel with a blinding light in the end of it.

            Three…two… and there comes your final torpor. One hour and you would be traveling from your body to another place. Sixty minutes more and you would be meeting God face to face. You go there on your deathbed. Lay down as if it’s an ordinary thing to do. You will see how special you are to your loved ones… I will lay down there in my deathbed as if nothing will happen. Though I’ve never spent the quality time here on earth and never enjoyed the fun in life, God has called me to be at His side. There is nothing I can do. Ten seconds left and I feel numbness. I think I’ve done my work here. Sorry to everybody. Thanks for everything. God bless all those who have befriended me along the way. Forgive them for they don’t know what they’re doing…

            I think I’ve spent all things necessary. Three days have passed and I think what I’ve done is the fullest, man. I’ve spent my time with my priorities: my friends, who played a special role in my life; God, who was always there to guide me; my family, who had tireless efforts of making me what I am today. We all know that three isn’t as many as a million but it can be like a million if you’d make the day your fullest. Doing things unnecessary makes life not worth living. Doing wrong things makes you living unworthy. Thank God for He gave you a life you might live the fullest. We have every opportunity to make it better and even make it the best. If you have three days to live, what would you do?

Suicide Bomber Pedicab

November 28th, 2006 by vinchhimself

Ah, eh…

Kanina lang pag-uwi ko, sumakay ako ng pedicab. May pinatabi sa aking lalaki na mukhang Israeli (o basta mukhang bumbay). Hindi mapigil sa sarili kong mag-isip na baka terorista ang nakasakay ko. Panay ang tingin ko sa balbas nyang tila ba kaka-ahit lang na tinubuan ule after 5 mins. Tangna kahit babae ako siguro, di ko gugustuhin yon. Basta, yun, kinabahan ako. Maraming pumasok sa isip ko: kung magrereply pa kaya siya? Kung mag wa-one-two-three nalang ako, o holdapin ko tong katabi ko. Pero natauhan ako nang isipin kong baka may bagong modus operandi ang mga terorista.

Inisip ko na sa higpit ng LRT at MRT ngayon ay pati na amoy ay pinapakialaman na. Yun siguro ang problema ng mga terorista ngayon kaya sa paghasik ng lagim e naisipan nilang wag nang pahirapan pa ang kanilang mga sarili. Kung pampublikong usapan lang ang pag-uusapan e andyan ang tricycle, jeep, taxi, school bus (imaginin mong isang grade 3 student and isang Israeli *puro balbas*) at ang higit sa lahat… ang pedicab.

Tinignan ko ule ang kanyang mahiwagang balbas. Di ako mapakali. Na-imagine kong ipapakita nya muna ang kanyang "bomb belt" at ngingiti pa sa akin ng parang nalilibugan. Habang ngumingiti siya ay umpisahan ko nang mag Sign of the Cross o ngitian ko na rin siya ng parang nandidiri habang pinpakyu. O di kaya’y habang ngumungiti siyang parang nalilibugan e pinapalo ko ng table tennis racket ang mukha niya habang pinapakyu. O pwede rin murahin ko ng, "tangna mo, salaam malayko inamo kukurukuku shishkebab shawarma" habang nginingitian ng parang nandidiri habang pinapakyu.

Pero napaisip akong kahit anong gawin ko e mapipindot nya ang button na nakakonekta sa kanyang "bomb belt". Dapat ko na bang isubo ang ‘bato’ at isigaw ang "shazaam". Kung kilala ko lang talaga si Super Inggo.

Pero natapos din ang tila ba torture na binigay sakin ng pedicab ni manong. Nakababa na rin ako sa wakas. Ayoko nang tumingin ule sa pedicab kung san nakasakay pa rin xa. Baka makita ko ule yung killer smile nya. Tangnang shet.

Hindi naman sa galit ako sa mga mukhang bumbay. Pero daig pa ang ilagay nyo ako sa kulungang puno ng leon. At di naman sa mali ang impression ko sa kanila. Talagang ayoko silang kasama. Pero hindi naman siguro habambuhay yun na hate ko sila (tangna taglish). Talagang ayoko lang talaga. Gets?

Oh, help me SI (Super Inggo). O anu, kung may HP para sa Harry Potter bakit di pwede ke Maikisig? Aber?

Naimagine ko tuloy yung habang binabaybay namin ang kahabaan ng nilalakbay namin e bigla nalang sasabog ang pedicab na sinasakyan namin. Makikita mo nalang pag andun ka ang nagliliparang ping-pong balls, putol na kamay, putol na ulo, lapis, bolpen, notebook (tangna nasabi na lahat ng nasa loob ng bag), wallet, condom (uy kay Israeli yun ah), at whiteboard marker.

At isa pang naisip ko e kung anu ang mangyayari na susunod. Syempre mamamatay ako. Iiyakan ba ako ng nanay ko? ng tatay ko? ng kapatid ko? o matutuwa pa sila at nawalan sila ng konsumisyon.

Iiyak kaya sina Carl, Jico, Victor, RJ, AC, Suede, Reg, Paul, Niki, Shean, Mae? Inuman nanaman ba sa burol ko? Yun lang…